CHAPTER 11(Edited)

5.3K 133 0
                                    

"He wants to talk to you.Don't worry,you're excuse in my class."Nakangiting sabi ni Ma'am.

Di na ako sumagot pa at nginitian na lang siya at saka ko dinala ang mga gamit ko at pumunta na sa office para daw  magreport.Ano namang irereport ko? Wala naman siguro akong ginawang kasalanan di ba?

Few minutes later....

Nakarating na ako sa tapat ng Dean's office.Binuksan ko ang pintuan at napansin kong may kausap si Dean Jason na lalaki.Nasa mid 30's na rin siguro. Napatingin naman sila sa direksyon ko nang mapansin ang presensya ko.

"Good morning po,Dean Jason...and sir."Bati ko naman sa kanila.Hindi ko pa kilala ang kausap niya.

"You're here,come inside."Sabi ni Dean Jason.Ngumiti naman ako bago pumasok sa loob.

"I want you to meet coach Raniel de Vega."Sabi niya at iniabot ko naman ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay para makipagshake hands.

Coach ng alin? Alam ko namang maraming sports na sinasalihan tong University kaya di ko alam kung coach ba siya ng ewan.Anong sports?

"You might be curious kung bakit kita ipinatawag dito sa office ko,am I right?"Buti napansin niyo ho.Sabi ko sa sarili ko.

"Bakit niyo nga po pala ako ipinatawag dito,Dean?may kasalanan po ba ako na hindi ko po alam?"Nagtatakang tanong ko.

"Haha,no.Wala kang kasalanan,hija."Natatawang tugon ni Dean na sumabay namang tawa ni Coach.

"Well,as you can see kaya ka namin ipinatawag dito ay dahil nangangailangan si Coach ng tutulong sa kanya at sa team niya.Busy din kasi siya sa ibang pang athletes dahil maliban sa basketball ay meron pa siyang kino-coach na ibang team sports.Marami ring gawain ang isa sa mga manager ng team at kailangan niya rin ng katuwang.Nangangailangan siya ngayon ng isang assistant manager para sa team niya.So,being part of this school and also a daughter of the owner.Miss Perez,I will assigned you to be the assitant manager of the team."Tugon ni Dean.

"Ano pong team?"Di na ako nagdalawang isip pa na itanong kung anong team.

"This is a basketball team named RED LIONS of Philippine Academy."Nakangiting sabi naman ni Coach.

"So miss Perez,what do you think? Are you okay for this?"Dagdag pa ni Coach.

"Kung makakatulong po ako,of course."I nodded then smiled.

"Good,if you have any questions or clarifications,just ask me."Sabi niya.Tinanguan ko naman ito.

"Yes,coach."Nakangiting sabi ko.

"So,welcome to the team.Miss Perez."Sabi nito sabay ngiti sa'kin.

"Cassy na lang po itawag niyo sa'kin."Sabi ko at nakipagkamay ulit sa kanya.

"It is nice to have a kind and beautiful assistant manager in our team.So let us do our best,miss Perez.

"Thank you,coach."

"So,that settle then."Sabi ni Dean.

"Good luck sa Red lion."Dagdag pa nito.

Sabay kaming lumabas ni Coach at akala ko makakabalik na ako sa klase ko pero di pa pala.Dumiretso kami sa headquarter nila kung tawagin na may nakasulat pa sa taas ng pinto na
'For Team Red Lions only'

Sino kaya ang mga team at manager,I want to meet them.Pumasok na kami ni Coach sa loob ng headquarter at pagkapasok ko may napansin akong mga lockers na may nakalagay na name.

"Cassy,wait me here,pupuntahan ko lang ang Manager ng team sa labas para makilala mo na rin siya.Ipapakilala kita sa kanya."Paalam ni Coach.

"Sige po, coach."Sabi ko.Tumango muna siya bago lumabas.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now