CHAPTER 65

690 36 57
                                    

EDWARD'S POV

So annoying...

"Pwede ba,wag mo kong hilain."Iritableng sabi ko.Hila hila nitong loser na Cassy na ito yung gilid ng polo ko.

"Male-late na tayo!"Sabi niya sa akin habang nagmamadaling maglakad.

"Oh,tapos? Isang minuto na lang tapos na yung klase.Ano namang matututunan mo sa isang minuto?!"Taas kilay na sabi ko.

"Bakit mo ba ako tinitignan ng ganyan?! Babae ka ba?"Inis na sabi niya sa akin.

"Babae lang ba pwedeng magtaas ng kilay? Bitawan mo nga polo ko."Sabi ko.Kusa niya namang binitawan ang polo ko.

Malapit na kami sa room nang may mapansin akong pamilyar na babaeng nakaabang sa labas ng pinto ng room namin.Tinignan ko itong mabuti at namukhaan ko na kung sino.

"Teka."Mabilis kong hinawakan ang braso ni Cassy.Taka naman siyang napalingon sa akin.

"Bakit ba?"Takang tanong niya.

"Parang nagugutom ako."Sabi ko sa kanya.

"Huh? Late na ako.Punta ka na lang mag isa mo."Sagot niya sa akin.Aba,yung attitude nitong loser na ito lumalala na.

"Kapag sinabi kong samahan mo ako,sasama ka."Sabi ko sa kanya at pinulupot yung braso ko sa batok niya para akbayan siya.

"Aray! Ayoko nga,mukha tuloy akong nagcutting."Reklamo niya sa akin habang pilit na tinatanggal yung braso ko.

"Daming arte.Tara na."Sabi ko sa kanya.Pinilit niyang lumingon sa likod pero hinawakan ko yung ulo niya.

Napalingon ako sa likuran at saktong labas ni Cash na nakakunot ang noo.Mabilis na lumapit sa kanya yung babae na yun at hinawakan siya sa kamay.Mabilis namang hinablot ni Cash yung kamay niya.

Nang biglang magtama ang mata naming dalawa ni Cash.Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya.Napansin niya rin sigurong kasama ko rin si Cassy.

I mouthed 'Don't worry' at alanganing tinanguan niya naman ako bago ako nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Sino kaya yun?"Rinig kong pabulong na tanong ni Cassy.Napalingon naman ako sa kanya.

"What? May sinasabi ka ba?"I asked.

"Wala,yung babae kasi sa tapat ng room natin.Mukha may hinihintay siya.She looks sad."Inosenteng sagot ni Cassy sa akin.

"Don't mind her.Di mo naman kilala."Sabi ko sa kanya.

' Why the hell is Angelica's here?! That's Cash's f*cking ex.'

Nakarating kami sa canteen.Medyo onti pa lang ang tao.Inutusan kong bumili si Cassy.Dahil wala siyang choice,nakasimangot siyang bumili.

"Tara sa rooftop."Aya ko sa kanya.

"Bakit? Binilhan na kita.Babalik na ako sa room."Sagot niya sa akin.

"Leche loser,sabi kong samahan mo ako."Medyo inis na sabi ko.

"Bakit ba kasi kailangan pang samahan kita?! Wala pa namang breaktime kumakain ka na."Naiinis na sabi niya.

"Hindi ako makakapag-focus kapag gutom ako.Kapag bumagsak ako sa exam at hindi ako nakapaglaro ng maayos sa game,ikaw ang may kasalanan."Turo ko sa kanya sabay kagat sa sandwich na hawak ko.

"Mabulunan ka sana."Rinig kong bulong niya.

"Sa susunod na bumulong ka,siguraduhin mong mahina."Sabi ko sa kanya.Nakasimangot lang siya sa akin.

Wala na kaya yung babaeng yun sa harap ng room namin? Ano ba kasing ginagawa ng whore bitch na yun dito?

"Tsk,halika na nga baka umiyak ka pa."Sabi ko sa kanya.Siguro naman hindi papatagalin ni Cash ang pag uusap sa harap ng room.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now