CHAPTER 38: Fears And Doubts

429 20 6
                                    

"Hindi na uso ang third wheeling baby girl. Get a boyfriend, instead of being Drew's loyal best friend. See...he chose his girlfriend over you. It's time for you to move on. Isa lang ang pwede mong gawin for you to tolerate them." Bulong ni Carl sa kanya. Yakap na niya si Kara ngayon na pilit pa ding nagpupumiglas sa kanya.

"Ano bang gusto mo Carl? Tigilan mo na nga-"

"Ikaw, ikaw ang gusto ko Kara."

Bulong uli niya sa dalaga bago niya pinakawalan ang dalaga sa yakap na iyon.

"See you around baby girl." Kinurot niya ang pisngi ng dalaga bago umalis.

Wala siyang lakas para makipag-away. Ang dami niyang iniisip, dumadagdag pa si Carl sa mga iisipin niya. She was in the middle of feeling all the pain for Drew. Gusto niya lang umiyak at mapag-isa pero heto siya at hindi magawa ang tanging bagay na makakapag-pagaan ng loob niya bago man lang sumabak sa madugong duty.

"Just tell me kapag hindi ka tinigilan ni Carl, ako bahala sa kanya. If you need someone to talk to, tawagan mo lang ako. Hmmm?"

Kyle saw her crying before going out to his car. Alam din niyang ugali ni Kara iyon. Hindi niya gustong may ibang taong nakakakita sa kanyang umiiyak. There are countless times where he saw her silently crying in the library. Sa tuwing nakikita niya itong umiiyak, umaalis ang binata dahil alam niyang gustong mapag-isa ni Kara.

"Alam mo, we should stop calling each other, Kyle."

Hindi pa nakakalayo ang binata nang sabihin iyon ni Kara.

"Ayokong makasira ng relasyon, masyadong selosa si Andrea. Nag-away na kayo minsan dahil sa akin. Tsaka..." Ngumiti si Kara at inaantay ang magiging reaksyon ni Kyle.

"Tsaka baka bumalik pa uli yung feelings ko sayo." Seryoso niyang sabi, hindi ito nakapagsalita.

"Joke lang! Kinabahan ka?" Tumawa ang dalaga sa gulat na reaksyon nito.

"Tara, frappe tayo? Masyado kang seryoso eh. Baka ma-stroke ka diyan." Nauna na si Kara pero sumunod  naman ang binata.

Everything in this world is about timing. Bakit ba kasi ang duwag ko noon? I should have tried, atleast...I won't having regrets like what I have now.

Kyle having his deep unwelcomed thoughts while seeing Kara's smile and thinking about Andrea, his fiance.

Drew loves you, he is just denying it to himself. One day, he will have the same regrets as mine.

Nakatuon pa rin ang isip niya kay Kara. Sinadya niya talagang bilisan ang pagpapatakbo ng kotse niya. He wanted to see Drew's reaction and he didn't fail with his instincts. He remember how nervous he was when he call Kyle that night.

"Dito na ako, fighting sa duty! Salamat sa libre. Next time, ako naman." Paalam ni Kara sabay pasok sa doctor's lounge.

"Fighting! Huwag ka masyado magdadala ng madaming pasyente sa OR ha. Be good to me, sunod-sunod ang case ko kahapon."

Tumango at kumaway na lang ang dalaga sa kanya.

It is a burnout day. For almost one month being an ER resident, this is the most chaotic day for Kara. Their waiting room is full. A surge of patients came, all staffs are moving very fast. Multi-trauma occurs, she couldn't even count how many patients she had intubated in their first six hour shift. Through the windows behind them, countless of ambulance kept on roaring. Unloading a patient, getting chest compression from a frantic paramedics. A woman with a screaming baby stands behind a man holding his abdomen in a long line of patients. Four patients on ventilators lie in the AMC's ER in drug-induced sedation, waiting for beds to open up in the ICU upstairs. OR is also full house, from the scheduled operations to emergency cases. There are no cubicles left, but still patients are coming.

MY WHITE COAT DIARIESحيث تعيش القصص. اكتشف الآن