CHAPTER 89: Tied Up and Powerless

595 20 12
                                    

"I love you." Melissa said with her teary eyes. She's caressing his face and about to cry when he kissed her forehead.

"Mahal na mahal kita Carl. Mahal na mahal kita." Mahigpit na niyakap ni Missy ang lalaking may buhat sa kanya.

"I love you more Melissa. I love you more than you'll ever know." The man said without removing his lips on her forehead. Hinayaan lang niyang umiyak ang dalaga.

I love you more! I love you more than you'll ever know! Then fucking love her all you want!

Nginig na nginig si Carl sa narinig niya. Mas lalo pang nanginig ang kalamnan niya nang halikan ng lalaki si Missy sa labi. She kissed him back, unaware that people around her is watching.

She's kissing you while shouting my name. So pathetic!

Carl is about to walk out when Drake and Gian locked him in place. He was stucked in there while James is kissing Melissa. Sinubukan niyang yumuko pero mas lalo siyang inasar ng dalawa. They forced him to face James and Melissa's direction.

"Ano ba? What the fuck! I'll kill you both! Isa!" Gigil na sabi niya kay Drake at Gian.

"You're already dead bro, masakit ba? Do you want to drink all night?" Hilot ni Drake sa dibdib ni Carl.

"Fuck you Drake! Pwede ba? Tigilan niyo akong dalawa!" Carl is trying to move pero hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

"No, you have to see this. Baka magbago ang isip mo o baka magising ka sa-"

Natigil si Gian nang maramdaman niya ang taong bumunggo sa kanya. Malakas iyon at talagang napaurong silang tatlo ni Drake sa may gilid ng pader. It was Drew who immediately walked to James and Melissa's direction. Seryoso ang mukha nito na tila galit sa ginawa ng kaibigan. Sinundan niya si Missy sa female restroom but she went to other side. Sa panlalaki siya pumunta kaya siya inabangan ng mga lalaking iyon. Hindi tuloy sila nagkita ni Drew, nang makita siya ng binata, buhat buhat na siya ni James at hinahalikan.

"Missy, let's go home." Pormal niyang sabi saka sinubukang kuhanin ang dalaga mula kay James.

"Ano ba? Bitawan mo ako! Kay Carl ako uuwi." Bulol na sabi ni Missy saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa leeg ni James.

"Melissa, umuwi na tayo. Come on little brat. Lasing na lasing ka na." He tried to get her again but she strongly refused.

Lumapit si Kara sa kanila at humawak sa kamay ni Drew. She tried to calm him dahil kita nito ang pamumula ng mukha niya. Naiinis ito sa ginawa ni James. They agreed to her suggestion na isama na lang si James pauwi. Melissa is too drunk to convince. Wala ito sa katinuan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang paulit-ulit na banggitin ang pangalan ni Carl.

"Pervert! Ulitin mo pang gawin yun kay Missy, talagang mababasag ko yung mukha mo." Iritableng sabi ni Drew kay James habang naglalakad sila.

Buhat pa rin ni James si Melissa, hawak naman ni Drew sa kamay si Kara. They walked like they didn't saw Carl. Rinig na rinig niya ang pag-uusap ng dalawa.

"She kissed me first, what do you want me to do? Maging manhid?"

"She's drunk!"

"If Kara kiss you, you won't kiss her back? Syempre you will-"

"Kara and I? We are a couple, for God's sake, James! Isa pa, she's kissing you-"

"We're not a couple yet. Not yet, Drew. Not yet, but soon...we will be." May diin na putol ni James.

"Melissa and I will be-" Naputol ang sinasabi ni James nang bigla na lang dumaan si Carl sa may gitna nilang dalawa. Pwersahan iyon na para bang may nais siyang iparating kahit pa wala ni isang salitang lumabas sa kanya.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now