CHAPTER 9: Boyfriend Is Prohibited

3K 99 6
                                    

Kara was wearing a pair of AMC International School girls uniform. A madras checkered box pleated skirt that is above the knee with a red, white, navy blue and maroon for the color combination. White blouse with black lining on the sleeves and collar. On the top of the blouse is a black vest with AMCIS gold crown logo and ribbon bowtie that is same color with the skirt. She was also wearing a black below the knee socks with black leather ballerina flats.

"Hoy! Ikaw na naka-shades! Sayo yung daan? Hindi uso sayo ang excuse me?"

It is her first day of school but it seems like it would be jeopardized because of someone who just made his way in the middle of them without courtesy.

"Kara, behave. Remember, it's your first day. Don't make a scene." Bulong ni Drew sa kanya sabay hila sa kaibigan.

Binunggo sila ng lalaking studyante at bigla na lang dumaan sa gitna nila ng wala man lang pasintabi.

"Hindi eh, bastos siya eh. Pwede ba yon? Mambu-bunggo na lang? Walang modo!" Kahit anong higpit ng hawak sa kanya ni Drew, nakawala pa rin si Kara at hinabol ang lalaking nambunggo sa kanila.

"Hoy ikaw!" Nahabol ni Kara ang lalaking studyante at hinarang.

"I don't have time for this, nagmamadali ako. Pwede ba, kung gusto mo magpapansin sa akin, mamaya na lang?" Umangat ang isang sulok ng bibig niya na tila naghahamon ng away.

"Wow ha! Ang kapal mo din, ako magpapapansin sayo? Ipalunok ko sayo yang bubblegum mo eh!" Tumatawang sabi ni Kara pero gigil na gigil siya sa sobrang yabang ng lalaking kaharap niya.

"Listen to me..." He pinned her on the wall and whispered.

"Buti na lang cute ka, kung hindi papatulan talaga kita. Oo sa akin ang daan. Kung may problem ka dun, you are free to drop out and transfer to another school. Hindi ko na problema yun." He is about to touch Kara's chin.

She was startled when the guy suddenly pinned her on the wall.

"Don't touch her, the school is yours but she's not." Mabilis na nahawakan ni Drew ang kamay nito bago dumampi sa mukha ng dalaga.

"Fine, is she yours? May girlfriend ka pala? Ah, is she the reason why you didn't attend the midterms? Akala ko pinabibigyan mo lang ang pinsan ko eh. In fairness, cute siya. Guard her well, baka bukas makalawa, she's mine. Kung hindi ko makuha ang best friend mo, baka yang girlfriend mo na lang ang pagdiskitahan ko." Gustong-gusto magsalita ni Kara pero nakuha siya sa mga tingin ni Drew.

"See you around, Valedictorian's girlfriend." Muli siyang lumapit kay Kara at bumulong bago mabilis na naglakad palayo.

Hindi na nagtangka pa si Kara na habulin siya, sa pagkakataong iyon, alam niyang wala na siyang kawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Drew sa kamay niya. Tahimik lang ito habang naglalakad sila. Paulit-ulit siyang binilin ng binata na huwag na huwag papasok sa kahit anong gulo. Pero heto siya sa unang araw niya at muntikan ng maghamon ng away.

"Sino ba yung mayabang na yun at kanya daw ang daan?" Hindi siya nakatiis at binasag niya ang katahimikan habang naglalakad sila.

"Basically, what he said was true." Nilingon siya ni Drew, seryoso pa din ang mukha nito.

"Hmmm?"

"Si Carl yun, di mo na siya maalala?"

Tanong ng binata sa kanya, limang taon lamang siyang nawala sa AMCIS, magkaklase sila nito mula nursery.

"Sino?"

"Si Carl, Carl Maxwell. Natatandaan mo na?"

"As in Carl Maxwell Tan Alcantara?"

MY WHITE COAT DIARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon