CHAPTER 53: Sleeping Beauty

394 26 6
                                    

"Missy..." Medyo paos pa at mahina ang boses ni Kara dahil wala pang isang buong araw nang matanggal ang tubong ikinabit sa kanya.

"Sorry, I'm so sorry. Hindi ko dapat ginawa yun. Kasalanan ko Missy, please forgive-"

"Shhh...it's okay. Hindi na ako galit. Ang importante, okay ka na...hmmm?" Melissa kissed her best friend's hands while sobbing.

"Huwag ka na mag-isip Kara, ang gusto ko magpagaling ka kasi miss na miss ka na namin. Bilisan mong magpagaling para matuloy na yung lakad natin nila Nancy. We are going to Michigan, right? Ipapasyal mo kami, diba?" She didn't let go of her hand.

"Oo ate! Bilisan mong magpagaling para kumpleto tayong dadalaw kay Kelly at Keith...diba kuya Ace?" Umangkla si Nancy sa binata.

"Hmmm?" Napalingon si Ace sa dalaga, wala itong alam sa pinagsasabi niya.

"Sasama ka sa Michigan, diba? Pupunta tayong lima nila kuya Drew." Kindat nito sa kanya kaya napatango na lang ang binata.

Masaya silang apat na gising na si Kara. Ilang araw din silang nagdasal at hindi nakatulog ng maayos sa pag-aalala na malampasan nito ang kritikal niyang kalagayan. Bihira ang mga pasyenteng nabubuhay at nakakaalpas sa ganoong sitwasyon. Iyon ang pangalawang buhay niya kaya kahit siya ay masaya. Lalo na at kumpleto silang lima. Dumating din ang mommy at daddy niya nang matanggap nila ang tawag ni Ace. Melissa and Drew's parents were also there. Even Nancy's parents came to visit her that day. It was like a reunion of old village folks.

Pagkatapos bisitahin si Kara ay isa-isa din silang nagpaalam. Naiwan lang si Melissa at Drew sa loob na para bang nagpapakiramdaman sa tensyon na namamagitan sa kanilang tatlo.

Inabot ni Kara ang kamay ni Missy at Drew. Pinagtabi niya iyon at kalaunan ay pinaghawak kamay. Ipinatong niya ang kamay niya sa gitna sabay ngiti at tingin sa dalawa.

"Promise me, hindi kayo maghihiwalay. Kapag ginawa nyo yun, hindi ko na kayo kakausapin kahit kelan. I will blame myself for making you-"

"Kara..." He cut her off.

"You forgive Drew, diba?" Hindi siya pinansin ng dalaga at binalingan si Missy.

"Missy...come on, forgive him. Wala siyang kasalanan. It's my fault. I tried to make him-"

"I forgive him." Putol ni Missy kay Kara na agad na napangiti at bumaling kay Drew.

"Narinig mo yun? You are forgiven. Kaya huwag ka na uli gagawa ng-"

"Kara, I-"

"Drew, ano pang ginagawa mo? Hug and kiss your girlfriend. Bihira ka ng makahanap ng kagaya niya. You are so blessed. Magbati na kayo, hmmm? Let's move on and-"

"Kara, he-"

"Tsss! Kayong dalawa talaga! Tigilan nyo na nga yang pride na yan. You should be thankful, trials and struggles make relationship stonger."

Melissa tried to tell about Drew's feelings but Kara ignored it. She heard everything that day and she is willing to sacrifice her love for him for her best friend.

I love you both...I wanted to choose him over you Missy. I want Drew to be mine, pero alam ko kung gaano mo siya kamahal. Hindi ko alam kung tanga ba ako para ipamigay yung lalaking mahal ko, pero I love you Melissa. I can't afford to be happy seeing you hurt.

Kara smiled while holding their hand. They tried to talk to her but she refused to listen. Buo na ang loob niya kahit nasasaktan siya para sa sarili. Hindi man siya sigurado sa gustong sabihin ni Drew sa kanya, ayaw na niyang pakinggan iyon. Ayaw niyang magbago ang isip niya. She did something wrong to Melissa and she wanted to pay her back. Kahit pa ang maging kapalit ay pansarili niyang kasiyahan.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now