CHAPTER 6: Knock On His Door

3.5K 120 6
                                    

"Kara! Grabe...dalaga ka na talaga! Parang kelan lang ganito ka pa kaliit." Sumalubong agad ang ina ni Drew sa kanilang dalawa. Niyakap niya si Kara na para bang sabik na sabik ito.

Wala itong anak na babae kaya parang anak ang turing niya sa dalaga. Lumaki ito sa paningin niya, at dahil lagi silang magkasama ni Drew, labis itong nalungkot nang umalis ang pamilya ni Kara. Nang ipaalam ng ama ng dalaga ang plano nila Ace at Drew ay mabilis itong pumayag na tumira si Kara sa kanila. Siya mismo ang naghanda ng kwarto nito at namili ng mga ibang gamit at damit.

"Grabe kuya, talo ka pa ni Ranzy boy. Nakapag-uwi na agad ng babae sa bahay. Baka maunahan pa tayong mag-asawa. Baka pwede na din kaming mag-uwi ng girlfriend Mommy?"

Inakbayan ni Rafael si Drew. Inasahan na niya ang pang-aasar ng kuya niya sa kanya.

"Pwede ba Raf, tigilan mo nga yang pang-iinis sa kapatid mo. Nakakahiya kay Kara. Ikaw talaga!" Paninita ng ina ni Drew.

"Pagpasensyahan mo na ang kuya Raf mo iha."

"Sanay na po ako Tita." Nakangiting sabi ni Kara.

"Inggit lang yan, kasi hanggang ngayon hindi pa rin siya sinasagot ng nililigawan niya. Iba si bunso eh. Walang ligaw-ligaw, straight to the point. Inuwi agad si Kara." Umakbay si Raymond sa dalaga, ang panganay na kapatid ni Drew.

"Tigilan mo nga ako kuya Raymond!" Siniko ito ni Kara.

Matagal man niyang hindi nakita ang buong pamilya ng binata, ramdam niya ang init ng pagtanggap nila sa kanya. Malayo man siya sa totoong pamilya, alam niyang hindi siya gaanong mangungulila. Ang buong pamilya ni Drew kasama na ang mga kaibigan niya ay sapat na para maibsan at mawala ang lungkot na nararamdaman niya.

"Halika na sa taas, you need to rest." Hinila na siya ng binata habang bitbit nito ang maleta niya paakyat. Panay pa din ang pang-aasar ng mga kuya niya pero di na niya ito pinansin. Sanay na siya na palagi silang inaasar. Mula ng mga bata pa sila hanggang ngayon na mga dalaga at binata na sila. Wala siyang balak na ipaliwanag ang relasyon nilang dalawa sa lahat ng taong naglalagay ng malisya rito.

Kara immediately smiled when Drew opened her bedroom door. He knows very well the things she wants. The monochromatic combination of black and white, minimalist interior design and even the furniture arrangement. If there's one person who really knew her from head to toe, it was Drew. There is no doubt there. If there was one thing she didn't like, it was the study table full of textbooks. Fortunately, there is a shelf on the side where her favorite novels are placed. Although she was not as studious as Drew, she loved to read romance books.

"The clothes here is limited, medyo nagahol na kasi ako sa oras. Matulog ka na, let's buy some of your stuffs tomorrow. Marami tayong pupuntahan bukas, kukunin natin yung uniform mo. Bibili din tayo ng gamit mo sa school. Kaya matulog ka na. Don't you dare na magpuyat. I will be checking on you." Palabas na si Drew ng kwarto nang buksan ni Kara ang closet niya at magtanong ito ng tanong na ikinapula ng tenga ng binata.

"Don't tell me, ikaw din namili ng mga bra at panty ko? Infairness ha, saktong-sakto ang size."

"Kainis ka, sana naman nagkunwari ka na hindi mo alam ang cap size ko! Pero cap A talaga binili mo." Isinukat nito ang bra habang nakaharap kay Drew.

May suot itong damit pero hindi maiwasan ng binata na maisip ang aksidenteng iyon.

"Pwede ba, mamaya mo na isukat yan!" Iritableng suway nito kay Kara.

"Bakit? Ang OA mo ah. As if naman naghubad ako sa harapan mo. Ilagay mo nga yung hook." Tumalikod ito sa binata at inantay na isara ni Drew ang bra na isinusukat niya.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now