CHAPTER 41: Just Kill Yourself

361 19 8
                                    

"Thank you, babawi na lang ako sayo sa susunod. Salamat sa popcorn at sa libreng sakay." Nakangiting sabi ni Kara habang tinatanggal ang seatbelt niya. Hindi man lang niya namalayan ang halos dalawa at kalahating oras na byahe nila. Nakatutok siya sa pinapanood niya.

"Thank you din sa pa-movie, ang ganda. Nag-enjoy ak-"

"Gusto mong bumawi? Then let's watch a movie in a real cinema." Putol ni Carl sa kanya sabay baba para pagbuksan siya ng pintuan.

Tumaas ang kilay ng dalaga, hindi siya sigurado sa isasagot niya at magiging reaksyon. Bumaba siya habang nakaabang si Carl sa may labas.

"Sine? Gusto mo manood tayo ng sine? As in..." Nauutal si Kara dahil hinarang ni Carl ang braso niya. Isinandal siya nito sa kotse ng bahagya.

"Don't tell me, sa tanda mong yan...you haven't gone in a single date? Kahit sine lang?" He is teasing her again.

"Isa Carl! Masasapak kita kapag lumap-"

"Kapag lumapit pa ako sayo ng ganito?"

Carl leaned more closer, waiting for a slap but she didn't do it. Naduling siya at napapikit sa sobrang lapit ng binata sa kanya. She could smell the addicting scent of him. Ayaw man niyang malunod sa amoy na iyon, his scent is too strong to resist.

I wonder why Kyle like you...you are too soft and innocent. Kabaliktaran ng pinapakita mo. Acting so strong, yet so vulnerable.

Napangiti si Carl, pinagmasdan niya ng sandali si Kara habang nakapikit. Like what he noticed back then, she is a kind of woman who does not care about her looks. She does not wear even a single make-up nor fixed her eyebrows but her bare face still amazed him. Sanay ang binata sa mga babaeng mapag-ayos. Mula sa mukha at pananamit, lahat ata ng babae na naka-relasyon niya ay kayang dalhin ang sarili nila. They were fashion oriented like Melissa.

Your face didn't get old. Ikaw pa rin yung mayabang na transferee. Cute ka pa din, you are that same girl who wrote love letter to me noong grade three tayo.

He wanted to touch her face, pero bigla itong nagmulat ng mata kaya hindi niya naituloy.

"Akala ko ba sasapakin mo ako?" Sabi ni  Carl sabay layo kay Kara.

"Sige na, see you tomorrow baby girl. Huwag mo kakalimutan yung utang mo sa akin. Let's watch a movie soon." Carl smiled and pinched her cheek.

She wasn't able to speak, naiinis siya sa sarili. Tama si Kyle, Carl has a certain trait that women could not resist. Hindi niya alam kung ano iyon. Pero aminado siya na she had that weird heartbeat again.

"Sinungaling! Sabi niya lumipat siya dito. Style mo Carl! Babaero!"

Hindi niya namalayan na napasigaw siya habang hawak ang dibdib niya. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Pero ramdam pa din niya ang nagkakagulong tibok ng puso niya.

"Pakialam ko ba kung dito siya nakatira!" Bumuntong hininga siyang naglakad at tinungo ang elevator. Nakahawak pa din siya sa dibdib niya.

Carl is in a hurry, muntik na niyang makalimutan na may lakad pala siya. It was Nathan's birthday. Sunod-sunod siyang nakatanggap ng tawag at text mula sa mga kaibigan. Lahat sila ay naroon na maliban sa kanya.

Pinapatakbo niya ng mabilis ang sasakyan niya nang may bigla na lang humarang. The car cut him that he almost jerk out of shock.

"Shit!" Pagmumura niya nang muntikan na niyang mabangga ang kotse na bigla na lang sumulpot sa harapan niya. Napansin na niya iyon kanina pa. Parang may sumusunod sa kanya, pero dahil nagmamadali siya, hindi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin. Panay din ang tawag ni Hunter sa kanya na halatang lasing na lasing na.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now