CHAPTER 7: Wild Thumping

3.2K 115 24
                                    

"Kara! Not now!"

His strength was all lost from the tremendous and whirlwind like masturbation he had, but he managed to put his pants up and zipped before the door swung opened. He wanted to stop the door from being completely open, but instead of standing and running, he fell down from his bed.

"Uy! Okay ka lang? Anong ginagawa mo?"

Gulat na gulat ang dalaga nang makita niya si Drew na bumagsak sa sahig. Kitang-kita niya ang pagkakahulog nito. Agad niya itong nilapitan para tulungang tumayo.

"Okay ka lang ba? Gusto mong..."

"Mukha ba akong okay?" Salubong ang kilay ni Drew dahil alam niyang nagpipigil ng tawa si Kara.

"Eh ano ba kasing ginagawa mo? Nanaginip ka ba na nagsi-swimming ka? Ganda ng pag-dive mo sa floor eh." Hindi na nito napigilan ang pagtawa niya sa itsura ng binata nang buksan niya ang pinto.

"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko, matulog ka na." Paika-ika itong tumayo at tinungo ang pintuan ng banyo niya.

"Di ako makatulog eh, parang namamahay ako." Sinundan niya ang binata at tumayo sa harapan ng banyo.

"Maliligo ako, ano ba? Hanggang sa banyo ba wala akong privacy?" Sinasara niya ang pinto habang tinutulak iyon ni Kara para buksan.

"Kaya mo ba talaga maligong mag-isa?"

"Oo kaya ko, at kung hindi? Sasamahan mo akong maligo?" Salubong pa din ang kilay ni Drew.

"Hmmm...pwede naman, pipikit na lang ako para di ko makita yang birdie mo." Walang kagatul-gatol na sagot ni Kara.

"Ewan ko sayo, pwede ba matulog ka na. Kung hindi ka makatulog, pwes magpatulog ka." Doon na niya tuluyang isinara ang pinto.

Bumuntong hininga siya ng malalim habang hinihilot ang sentido niya. Muntikan na siyang makita ni Kara sa isang bagay na nakakahiya at hindi dapat makita ng mata niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal ang kabog ng dibdib ni Drew. Parang sasabog ang puso niya nang marinig ang katok at boses ng dalaga. Mas lalo na ng unti-unting magbukas ang pinto. Pero hindi pa din mapanatag ang loob niya, lalo na ng makita ang itim na pares na nighties na suot nito. Sising-sisi ito na bumili siya ng ganoong kaikling shorts at spaghetti straps na pantulog.

"Bakit ba hindi na lang pajama ang binili ko? Kainis!"

Sanay siyang makita ang dalaga na maiksi ang suot, nagbago lang ang pakiramdam niya mula ng maganap ang aksidenteng iyon. Lalo na ngayon na ginawa niya uli ang bagay na ipinangako niyang hinding-hindi na niya gagawin.

Sa pag-iisip niya ng paraan para makalimutan ang mga bagay na nakita at ginawa niya, nanatili siya sa loob ng banyo ng mahigit sa isang oras. Sinadya niya ding gawin iyon para siguruhing wala na si Kara paglabas niya. Alam niyang hindi niya pwedeng iwasan ang dalaga lalo na at nakatira na sila ngayon sa iisang bahay. Pero kahit ngayong gabi lang, nais muna niyang umiwas kay Kara para magmuni-muni. Kailangan niyang kausapin ang sarili ng masinsinan. Kailangan niyang mangako sa sarili sa pangalawang pagkakataon na hindi na mauulit ang ginawa niya kanina. Hindi siya natatakot para sa sarili, kundi natatakot siya para kay Kara at sa pwede niyang gawin sa dalaga.

"You should take care of her, that is the only thing you should do. Stop fantasizing her just to feed your needs. Para mo na siyang kapatid Drew, okay? This will be the last time she will be appearing in your imagination." Nakaharap siya sa salamin habang kinakausap ang sarili.

"Best friend mo siya Drew, best friend mo." Hindi niya mabilang kung ilang beses niya iyon paulit-ulit na sinabi sa sarili.

"She loves you, but it does not give you the right to lust over her. She deserves to get love, not lust." Naging emosyonal siya nang bitawan niya ang mga salitang iyon. Mas lalo lang siyang nakonsensya habang tumatakbo sa isip niya ang mga katagang isinulat ni Kara sa diary niya. Kung pwede lang siyang bumalik sa araw na iyon, hindi na sana niya binasa ito. Nahihirapan lang siya lalo na timbangin ang mga bagay-bagay. Kahit ang pagtatapat niya ng nararamdaman para kay Missy ay hindi niya magawa. Hindi niya kaya na makitang masaktan si Kara.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now