CHAPTER 20: Popsicle

3.3K 87 10
                                    

"Can you have a little break for being her loyal and obedient boyfriend? Kahit ngayong araw lang Carl..." Gareth sounds frustrated. Ilang araw na niyang niyayaya ang kaibigan sa bahay nila pero lagi na lang itong tumatanggi. They used to hangout every weekend, pero hindi na nila nagagawa iyon.

They missed him so much. Isang buwan na mahigit mula nang maging sila ni Missy and Carl is always with her, kasama si Kara at Drew. Even saturdays and sundays. Ngayon lang uli niya nakasama ang mga kaibigan dahil sa practice nila ng basketball. Kung hindi sa practice na iyon, hindi pa sila makukumpleto.

"Kaya nga, kahit weekend wala kang patawad. Hindi ka ba nagsasawa na lagi na lang kayong magkasama? Don't tell me...you found new friends? Si Drew na ba ang best friend mo ngayon?" Parang bata na nagmamaktol si Hunter.

"He is in love...wala tayong magagawa don. Ganyan talaga kapag first months, you cannot get off each other."

Inakbayan ni Ethan si Hunter. Nakaupo sila sa bleachers at nagpapahinga.

"Tigilan mo nga ako! Months? Eh inabot na kayo ng taon ni Faith, ganun ka pa rin. Kaya hinding-hindi talaga ako magkakaroon ng seryosong girlfriend. Mga possessive yang mga yan eh, gusto nila sila na lang lagi nasusunod. Tsss!"

Nagmamaktol pa din si Hunter.

"Malay mo naman si Carl ang hindi talaga makaalis sa tabi ni Missy." Sabi ni Kyle na naghuhubad na ng jersey niya.

"Hindi talaga ako pwede ngayon. Next time na lang, promise!" Sabi ni Carl habang nagmamadaling magpalit ng damit.

"Puro ka next time!" Sabay-sabay na sabi ni Gian, Drake at Nathan. Binato nila si Carl ng jersey na hinubad nila.

Kung may clingy sa lahat, silang tatlo iyon. The four of them were best of friends. Sanay sila na palagi silang magkakasama.

"Mauna na ako, monthsary namin ni Faith eh. Sorry, I have to go!" Mas nauna pang umalis si Ethan kesa kay Carl.

"Guys..." Nahihiyang panimula ni Carl. Lahat sila nakatingin ng masama sa kanya maliban kay Kyle.

"Get lost! Kapag kayo nag-break ni Missy..." Hunter with his childish tantrums.

"Tayo na lang maglaro, mas magaling naman akong maglaro kay Carl eh." Inakbayan siya ni Dylan at kinurot ang magkabilang pisngi na parang bata.

Hunter is fond of playing playstation at sa tuwing magkakasama sila, habang ang lahat ay nag-iinuman at nagku-kwentuhan, si Carl lang ang lagi niyang kalaro. Ito lang ang nakaka-tolerate sa pagiging isip bata nito madalas. Magkakasing edad lang sila, pero dahil may pagka-isip bata si Hunter minsan, palagi silang nagtatalo ni Dylan. At sa tuwing nagtatalo sila, si Carl ang tagapagtanggol nito.

Naiwan silang lahat doon na nag-aasaran at nagkukulitan. Sa kabila ng mga pagkakaiba nila, they always find comfort to each other.

Carl and Ethan left para puntahan ang mga girlfriend nila.

Si Liam at Tristan naman ay nagpaalam na din. Unlike, Gian and Kyle, academic standing are important to them. There is a time for play, but there is a scheduled time for studies. Palagi nilang sinisigurado na they maintain their academic standing.

"Pahingi ng kaunting utak Kyle! Saan mo ba nabili yan?" Pagbibiro ni Miguel.

"Ulol! Tigilan mo nga ako." Natawa si Kyle.

"Iba kasi kapag pinanganak kang matalino, tignan mo itong si Gian...chill na chill. Pero tang-ina! Nasa top four pa din. Anong klaseng braincells ba ang meron kayo ni Kyle?" Si Zach naman ang nagsalita.

"Alam nyo ang sekreto don? Dapat may kota kayo lagi. Palagi kasi silang tumitira ng..." Si Drake na may pa-suspense habang nagsasalita.

"Gago! Hindi noh!" Sabay na sabi ni Kyle at Gian.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now