CHAPTER 22: Tortured

3.3K 117 27
                                    

Flashback four years ago.

May mga bagay at alaala na talagang panghabambuhay na tatatak sa puso at isip ni Kara. Mga alaalang palaging magpapangiti sa kanya at magpapaalala kung gaano siya pinapahalagahan ni Drew bilang isang kaibigan. Sa tuwing babalikan niya ang araw na iyon, napapaisip siya kung may iba pa bang taong handang gawin ang bagay na iyon para sa kanya.

"Marunong ka ba talaga o hindi? Umalis ka nga sa harapan ko! Hindi ka naman marunong! Naka-tatlong tusok ka na ah! Tss!" Iritableng sabi ng isang pasyente kay Kara nang paulit-ulit itong nagtangka na maglagay ng swero pero paulit-ulit din ang pagputok ng mga ugat nito.

"Sorry po, dehydrated po kasi kayo kaya mabilis pumutok ang ugat. Sor-"

"Aalis ka ba sa harapan ko o hindi? May dehydrated dehydrated ka pang nalalaman! Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga marunong! Porke ba nasa public hospital ang tao, pwede na kaming pagpraktisan ng mga studyante na kagaya mo! Umalis ka na nga, tawagin mo yung totoong nurse. Hindi ko kailangan ng studyanteng kagaya mo!"

Pulang-pula na ang lalaki sa galit niya. Hindi na sumagot pa ang dalaga dahil alam niyang may karapatan naman itong magalit. Hindi biro ang matusukan ng tatlong beses. Kahit sino ay iinit ang ulo lalo na at malalaki ang ugat ng pasyente. Iyon ang unang beses na natusukan siya ng tatlong beses at hindi pa rin nagagawa ng tama.

"Anong ginawa mo? Eh ang lalaki kaya ng ugat nun. Ano ba naman yan, IV cannulation na lang sa pasyenteng mabilis hanapan ng ugat, hindi mo pa magawa. Paano na lang yung mga hard stick na pasyente? Hindi ko na alam gagawin ko sayo eh. Lagi ka na lang palpak." Iritable din ang staff nurse na siyang humahawak doon sa pasyenteng tinusukan ni Kara.

"Ma'am actually, hindi pa po kami dapat allowed mag-cannula eh. Hindi naman ata magandang ibunton ninyo ang inis ninyo kay-"

"Eh kailan siya matututo? Pasalamat nga kayo pinapayagan kayong makapagtusok at magbigay ng gamot eh. Kelan pa kayo matututo? Kapag graduate na kayo? Kapag full pledge nurse na kayo? Kapag pumasa na kayo ng board exam? Kaya nga OJT ang tawag sa ginagawa nyo dito. On the job training. Tsaka fourth year na kaya kayo, ako third year pa lang ako nakakapag-cannula na ako."

Bumuntong hininga ang staff nurse saka tinalikuran si Drew.

Unlike Kara, he experienced and started inserting intravenous catheter
when they were in third year. He is not afraid trying and challenging his skills. Sa tuwing hinahayaan sila, palagi itong nagpi-prisinta. Hindi kagaya ng dalaga na palaging tumatanggi at nagtatago sa tuwing may mga pagkakataon siya. Natatakot siyang magkamali. Palagi siyang kinakabahan na baka hindi siya makatusok.

Tatlong buwan na lang ay magtatapos na sila. Pero pakiramdam ni Kara, hindi pa siya handa. Kung sa pagiging nurse pa lang ay madami na siyang kapalpakan, naiisip tuloy niya kung dapat pa niyang ituloy ang medical school. Naiinggit siya sa mga kaklase niyang madaling natututo. With Drew's help, she is now excelling academically.

Ni wala sa hinagap niya na makakapasok siya sa dean's lister. Ngunit aanhin naman niya ang lahat ng impormasyong alam niya kung sa skills naman ay kulelat siya. Palagi na lang siyang pumapalpak. Noong isang linggo lamang ay nabato siya ng instrumento sa operating room dahil mali ang naiabot niya sa surgeon.

Kainis! Palagi na lang akong palpak!

Nagmukmok siya sa nurses lounge at nagbasa na lang para sa parating na finals. Iyon lang ang pwedeng pagkaabalahan niya habang mainit pa ang ulo ng staff nurse sa kanya. Dalawang oras na lang naman ay matatapos na ang eight hour shift duty nila.

"Kara..." Tapik ni Drew sa kanya dahil nakatulugan niya ang pagbabasa. Pagod ito sa buong shift dahil she handled ten patients. Masaya na sana siya kung hindi lang sa intravenous cannulation na iyon.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now