CHAPTER 15: Briefest Of Seconds

3.1K 102 13
                                    

"Drew! Si Missy! Dalian mo!"

Hindi pa nakakalabas si Kara at Drew nang salubungin sila ni Faith. Hingal na hingal ito, pawis na pawis.

"Anong nangyari?" Grabe ang kaba ng binata nang marinig niya ang pangalan ni Missy. Halata sa mukha ni Faith ang pag-aalala.

"Mali kasi yung pagbagsak niya, tapos yong braso niya parang..."

Tumakbo na si Drew, pero hindi niya binitawan ang kamay ni Kara. He will not do it again, leaving her behind. He could tolerate Kyle around Kara, but not Carl. Ngayon lang siya nainis ng ganun sa tinagal-tagal niyang nakasama ang binata. He was really annoying, pero hindi niya kinaya ang ginawa ni Carl sa araw na ito. Naiirita siya ng sobra.

"Tawagan mo si kuya Ace, nasa medical conference si Tita at Tito ngayon. Sumunod ka na lang sa akin sa gym." Bilin ni Drew kay Kara saka nagmamadaling tumakbo para puntahan si Missy.

Nang dumating si Drew doon, rinig niya agad ang pag-iyak ng dalagang nakahiga sa sahig.

"Tumawag na kami sa EMS, parating na sila." Sabi ni Faith, hingal na hingal pa din.

"Drew, ang sakit! Sobra!" Iyak ng iyak si Missy. Pawis na pawis din siya. Namumutla na siya sa sobrang sakit.

Missy's right elbow looks out of place, the deformed-look is obvious. It was push outward, she could not move it anymore, swelling has already started.

"Shhhh...everything will be okay. Tahan na. Parating na yung EMS." Lumuhod si Drew at umupo sa tabi niya. Pinahid nito ang luha niya.

"Di ko na kaya! Ang sakit talaga!" Sigaw ni Missy.

Inilibot ni Drew ang tingin niya sa gym, nag-iisip ng pwede niyang gawin. Nahihirapan siya habang nakikitang umiiyak ito, putlang-putla na si Missy. Hindi siya tumitigil kakasigaw at kakaiyak.

"Papunta na si kuya Ace! On the way na siya!" Tumatakbong sabi ni Kara.

"Tara na, tiis lang ah..." Muling pinahid ni Drew ang luha ng dalaga bago niya ito binuhat.

Pag labas pa lang nila ng gym, humarurot na ang isang kotse sa harapan nila. It was a red Mercedes Benz.

"Sakay na!" Sigaw ni Carl nang ibaba niya ang bintana.

Nagdadalawang isip si Drew, they are both seventeen with no driver's license. Illegal driving is not on his list. Hindi siya ang klase ng taong lumalabag sa batas.

"What? Sabing sakay na!" Sigaw uli ni Carl.

"Parating na si kuya Ace...thank you, pero..."

Muling umiyak at sumigaw si Missy sa sobrang sakit. Napabuntong hininga si Drew.

"I am the one who will be charge, not you. Marunong ako mag-drive kahit nakapikit ako. Okay? Disobeying this rule will not kill me. Kaya pwede ba, sumakay na kayo. Huwag na madaming arte, if you could afford seeing Missy like this...well ako hindi!"

Tumaas na ang boses ni Carl nang marinig niya ang iyak at sigaw ng dalaga.

Wala ng nagawa si Drew, binuksan ni Kara ang pintuan ng kotse sa likod. Iniupo ng binata si Melissa sa loob pero lumabas din nang makita niyang papasok si Kara sa tabi ni Carl.

"Kara dito ka sa likod, ako diyan!"

Binagsak ni Drew ang pinto sa likuran at hinila si Kara. Siya ang umupo sa tabi ni Carl.

"Seatbelt bro..." Nakangiting sabi ni Carl. He loves seeing him in his annoyed face.

"Huwag mo ako bino-bro-bro...hindi tayo magkaibigan." Sabi ni Drew sabay kabit ng seatbelt niya.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now