CHAPTER 61: It Was A Fast-Forward

353 23 4
                                    

"Keep your eyes on the road...hmmm?You will not learn to drive kapag sa akin ka nakatingin. You can do it later. For now...just focus on this steering wheel and the two side mirrors." Sita ni Carl sa kanya dahil nahuli na naman niya itong patagong tumitingin sa gawi niya.

Mag-iisang oras na silang paikot-ikot sa malawak na field ng AMC International School dahil walang pasok ang mga studyante. Tanging mga nagpa-practice lang ng basketball ang naroon. Ngayon lamang uli nakapasok doon si Kara pagkatapos ng ilang taon.

"Hindi ba pwedeng huwag na ako matuto? Pwede mo naman akong sunduin at ihatid, diba?" Tanong nito sabay tigil ng sasakyan.

"Like what Drew always do? Yun ba ang gusto mo?" Napabuntong hininga si Carl sabay tingin kay Kara.

"Ha? Ah...hindi naman-"

"Don't stop the car, hindi mo ako makukuha sa mga ganito. I can spoil you with other things. Pero not in this driving stuff. You have to learn this. Neccessity to, paano kapag emergency? Paano kapag wala ako? Or busy si Drew?"

"Eh di si kuya Ace, pwede naman niya akong-"

"You cannot live like that. Kailangan mo maging independent minsan. You need to have patience, hindi mo naman talaga matututunan ito ng isang oras noh. Just focus, hmmm?" Kurot ni Carl sa pisngi niya.

Gustong-gusto niyang mainis sa binata pero hindi siya makapalag. Alam naman niyang may punto ito. Isang oras pa lang sila nagpapaikot-ikot pero nayayamot na siya at gusto na niyang tumigil. Bukod na sa tinatamad siya at wala siyang interes, hindi ito ang inaasahan niya sa unang buwan nila.

Hindi ba uso ang monthsary sa kanya? First monthsary kaya namin ngayon! So eto na ba yung date namin? Driving lesson 101?

Like what Carl wanted, she focused on the steering wheel without saying a single word. She didn't expect that their day will start with a little tension.

Samantalang si Missy, may pa-flashmob ka pa noon!

Hindi niya maiwasan na maikumpara dahil saksi siya sa lahat ng mga ginawa ni Carl para kay Melissa.

Nakakainis...

She held back her tears because it seemed like she was crying for an unknown reason. Kara was sure it wasn't because of Missy or because Carl was forcing her how to drive. After all, he was doing it for her own good. She's not used for not being tolerated. If it was Drew, she will surely get what she wants. He would also notice that she was disgusted even without a frown or saying a word. Probably now, he is trying to make her laugh or she is no longer driving. They would just stop and eat her comfort food.

"Good...see, you are starting to do it right. Just a little patience baby girl."

Pinuri siya ni Carl dahil unti-unti na siyang natututo. Pero hindi siya nagsalita, itinuloy-tuloy lang niya ang ginagawa niya. Sa loob ng apat na oras, nagpaikot-ikot lang si Kara sa loob ng AMCIS. Tuwang-tuwa ang binata sa kanya, panay ang puri nito pero tipid na ngiti lamang ang iginaganti niya.
Kahit papaano ay masaya siya dahil pakiramdam niya nagawa niya ang isang bagay na akala niya hindi na niya matututunan. Ilang beses din siyang tinuruan ni Drew noon, pero kapag nababagot na siya, walang nagagawa ang binata kundi ang tumigil sa pagtuturo. Kaunting pa-cute lang niya at pagtatampo kunwari, hindi siya nito natitiis. Ayaw niyang isipin at ikumpara si Drew kay Carl, pero malaki ang pinagkaiba nila.

"Break muna tayo, pagod na ata ang Kara ko eh..." Paglalambing ni Carl sa kanya. Pinatay ng binata ang makina saka tinanggal ang seatbelt ng dalaga.

"Ihi lang ako, kanina pa ako naiihi eh." Nagmamadali siyang bumaba ng kotse bago pa makababa ang binata para pagbuksan siya ng pintuan.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now