CHAPTER 88: She's Kissing Him

465 27 2
                                    

"Get on my back, you little brat." Utos ni Drew kay Melissa nang makita niya ito na paika-ikang naglalakad. He bended on one knee and tapped his back.

"Let's go for early birthday celebration. My treat! What about KTV bar with unlimited drinks?" Kindat ni Kara sa kanya sabay tulak ng marahan kay Missy para sumakay sa likod ni Drew.

Isang buwan na lang ay kaarawan na ni Melissa. Matagal-tagal na silang hindi lumalabas ng silang tatlo lang. Drew and Kara decided to be with Melissa tonight. Alam nila ang pinagdadaanan nito. Hindi man ito magsabi sa dalawa, sa mukha pa lang niya at sa malamig na pakikitungo ni Carl sa dalaga, they are aware how broken she was. Hindi nila maatim na silang dalawa ay masaya at si Missy naman ay malungkot.

"Kaya kong maglakad, kumikirot lang ng konte but I can-"

Kara already pushed her and Drew had held her thighs. Wala na siyang nagawa kundi ang yumakap at humawak sa leeg ng binata nang tumayo ito. Buhat siya ni Drew sa likod, samantalang si Kara naman ay nakahawak din sa isang braso ng binata. This nostalgic scenario made her emotional. Ganito din sila noong mga bata pa sila. She will play as Kara and Drew's baby while the two are playing as her parents in their little treehouse. Melissa is in the midst of unfathomable pain, yet these two are trying to make it bearable. Lagi siyang nagpapasalamat dahil kahit pa anong pagdaanan niya, they never fail to be there for her.

"Saan tayo?" Tanong ni Drew sabay kindat kay Kara. Napag-planuhan na nila ito kanina pa. Balak sana nilang i-celebrate ang unang linggo nila. He planned a simple date for his fiance but decided to cancel it when he saw Missy.

They both agreed to delay their date. Mas importante sa kanila ngayon ang pinagdadaanan ni Melissa. She needs them and they also missed her. They need some best friend's time like what they always do before the chaotic four love square that happened.

"I know a new place! Let me decide kasi ako naman ang manlilibre eh." Sagot ni Kara sabay kindat pabalik kay Drew.

Melissa just end up smiling while she's enjoying the piggyback ride. It's good and comforting that you don't need a boyfriend to have it. Having a guy best friend and having Drew in her life is enough to raise her standards. She needs someone who will take care of her like he do. Naalala niya nang maging sila, he never fails to take care of Kara kahit siya ang girlfriend ni Drew. At ngayon na nagkapalit na sila ng posisyon ni Kara, wala pa din itong pinagbago. He always prove that he can be the best boyfriend and the best guy best friend in the world.

What did Kara and I did in our past life that we are are blessed with someone like you?

Hinigpitan niya ang yakap kay Drew nang makasalubong nila si Carl. Pinilit na lang niyang umiwas ng tingin lalo na at ganun din ang naging reaksyon ng binata. Tila ba wala itong nakita at diretso ang paglalakad.

Ang sasakyan ni Drew ang ginamit nila, siya din ang nagmaneho habang ang dalawa ay nakaupo sa likod ng kotse. Hinayaan lang niyang mag-usap ang dalawa. Sinusubukan ni Kara na patawanin ito sa pamamagitan ng pagku-kwento niya sa nangyaring epic proposal ng binata. Hindi ito natuloy dahil sa kalokohan ni Missy. She shared how she ended in Michigan with wrong pair of shoes sa sobrang pagmamadali. She's wearing a high cut white converse on the left and black keds sneakers on the right. Napansin na lang niya iyon nang pagtinginan siya ng mga tao sa eroplano. Hiyang-hiya man siya, hindi na lang niya iyon pinansin. Ikinwento din niya na siya na ang nagyaya ng kasal kay Drew. Tawa ng tawa si Missy sa mga kwento niya hanggang sa makarating sila sa bagong KTV bar na hindi pa napapasukan ni Missy. They used to hangout in KTV bars when they were in med school. Doon lang niya napapakanta at napapasayaw si Kara. Ganun din si Drew lalo na kapag may epekto na ang alak sa kanilang tatlo.

"I can walk, okay? Stop doing this things. Baka ma-miss ko to."

Sabi ni Missy kay Drew nang buksan nito ang pintuan. Nauna ng lumabas si Kara para magpunta sa reception area.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now