CHAPTER 17: The One

3K 96 4
                                    

"Sound check." He said it on the microphone before drinking half of the bottled water on his hand.

Just with Kyle's two words over the microphone made the crowd turn wild. His voice is so sexy. It sounds good even before he starts singing.

He might be checking the microphone alone or something equally mundane but everybody drawn in by his raspy bedroom voice, and soon, girls mind trails off with naughtier places.

"Grabe! Boses ba ni Kyle yun?" Hindi inasahan iyon ni Kara. Si Carl ang inaabangan niya. Pero the first performer was Kyle's band.

Napairap na lang at napabuntong hininga si Drew. Kung dati kay Carl lang siya naiinis, ngayon pati kay Kyle na. Naiirita siya sa mga reaksyon ni Kara. She is so amazed by Kyle's voice.

Hindi pa nga siya kumakanta, kinikilig ka na!

Nanahimik na lang si Drew, iniisip na lang niya na nag-eenjoy lang ito. At dapat ganun din siya. Kahit hindi mga ganitong klase ng genre ang gusto niya.

"I LOVE YOU KYLE!" Sigaw ng isang babae nang magsimula silang tugtugin ang intro ng Lakas Tama ng Siakol.

Just the gentle tap of the cymbals alone and the slow metallic sound as Dylan strummed his guitar, the people were standing ovation and started to raise their arms.

"GO PAPA DYLAN!" Sigaw uli ng mga ibang babae, kanya-kanya sila ng pangalang isinisigaw.

"HUNTER!" Iyong grupong iyon ang umani ng pinakamalakas na hiyaw nang magsimula na ang binata sa pagpalo sa drums habang tila nilalaro pa ang sticks niyang iniitsa paitaas sabay balik sa kamay niya at palo uli sa drums.

Swabeng-swabe ang tunog ng kombinasyon ng gitara ni Dylan at Hunter.

"ZACHHHHHH! BABY GALINGAN MO! MAHAL KITA!" Pero walang tumalo sa lakas ng boses ng babaeng halos mamaos sa lakas ng sigaw niya.

A lot of them are already jumping when the the lead guitar and vocalist, Kyle, Zach on bass, Dylan on rythm and Hunter on drums started to play their instruments together. The instrumental intro of Lakas Tama by Siakol alone already set the gymnasium in to fire.

Pambungad pa lang iyon pero buhay na buhay na ang mga tao. It was draw lots at nabunot ni Kyle ang number one. He does not care. Hindi siya pumunta dito para makipag-kumpitenysa. He just wanted to share his talent and make this night unforgettable.

"I LOVE YOU KYLE! ROCK AND ROLL!"

Sigaw ni Kara nang tugtugin nito sa gitara niya ang instrumental chorus sa lead guitar. Hindi alam ng dalaga kung saan ba siya titingin, sa swabeng paggalaw ba ng daliri ni Kyle o sa mukha nito habang kagat ng binata ang ibabang labi niya. Wala pang binibigkas na kahit isang liriko ng kanta, pero tumatalon na ang mga tao at nadadala. Kahit ang dalaga ay napatalon na din habang sumasabay sa kumpas ng tugtog.

Napatingin si Drew, Missy at James sa pagsigaw ni Kara. Gulat na gulat silang tatlo. Nasa may pinakaharap pa naman sila. Nasa gitna ni Drew at Missy si Kara. Si James naman ay nasa my gilid ni Missy.

"I love you too." Malambing na sagot ni Kyle sa mikropono bago siya nagsimulang kumanta.

Naghiyawan ang mga tao, hindi sila natigil kakatalon habang nakataas ang mga kamay nilang sumasabay sa bawat pagkanta ng binata.

"Pero mas mahal kita." Kara tiptoed and whispered to Drew.

Napangiti ang binata at kahit paano ay naalis ang inis nito. Pinagmamasdan niya si Kara habang tumatalon at sumasabay din sa kanta.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now