Prologue

39.4K 576 187
                                    


"Katatapos lamang ng Fina World Championships na ginanap sa Los Angeles ngayong taon. At isa ang Pilipinas sa pinakamarami na nauwing medalya para sa taon na ito. Isa na dito si Steven Montero na muli nanamang nasungkit ang gintong medalya para sa kanyang kategorya sa swimming. Maaalalang isa si Montero sa pinakamagaling na swimmer sa buong mundo, sa edad na 28 ay sya ang pinakamaraming gold medal na naiuwi sa bansa. Di rin naman nagpahuli ang ating pambato sa...."






"I want to be like him..." nawala ang atensyon ko sa tv nang magsalita si Kristoff sa gilid ko habang yakap ang isang garapon ng stick o.






"Really, anak?" Sabi ko at hinaplos ang hanggang balikat nyang buhok. Ewan ko ba dito sa anak kong lalaki na ito, ayaw magpagupit.






"Yes mommy! I love swimming too!" bibo nitong sagot sakin habang nakangiti ng malaki. At the age of 5 he is really good at swimming. Dinaig pa ako. Di ko naman sya tinuruan magswimming dahil bata pa sya, pero nagulat nalang ako isang araw nakita ko syang nagffloating sa pool! Grabe yung kaba ko non. Tinanong ko kung pano nya natutunan yon, napanood daw nya sa youtube. Wtf?! Four palang sya non!






"I know baby, and Im sure you will become a great swimmer someday." Sabi ko naman at hinalikan sya sa pisngi, humagikgik naman ito. Napacute ng anak ko, manang mana talaga sakin. Oo sakin!





"Not just that mommy," nilingon ako nito. "I want to be a swimmer so that I can save Krystal too." Nahabag naman ako sa narinig sa anak ko.





"Bigboy kana talaga baby ko."







Krystal is my daughter, twin sister of Kristoff. So basically kambal ang anak ko. Kung gaano kamahal ni Kristoff ang pool at dagat, ganon naman kaayaw ng anak kong babae dito. Nung dalawang taon kase ito ay nahulog ito sa pool namin dahil busy sa pagccellphone ang yaya na kinuha ko. Sobra akong nagalit non kaya tinanggal ko agad sya sa trabaho. She has only one job! and that is taking care of my children, but still she chooses to put my daughters life at risk.





Speaking of Krystal, naisipan kong silipin sya sa kwarto nilang magkapatid kung gising naba. 9 am na kasi at di pa sya nagaagahan. Ewan ko ba kung bakit laging late to nagigising. Si Kristoff ay kanina pang alasais ng umaga gising, sya pa nga ang naggising sakin dahil gusto magpaluto ng pancake. Wala na kasi silang yaya ngayon. Di ko na kailangan ng katulong dahil malalaki nanaman sila at sa edad na limang taon ay matured na ang mga anak ko. Ang hirap na nga mauto! Kung may pasok naman ako ay iniiwan ko sila sa mama ko. Pero minsan lang naman yon dahil pumapasok na sila sa daycare dito sa village, at pwede sila magstay doon hanggang di ko pa sila sinusundo.






Pagpasok ko sa kwarto ng mga anak ko ay nakahilata parin si Krystal at mahimbing ang tulog. Nilapitan ko ito at marahang ginising para magbreakfast na.






"Good morning mommy." antok na sabi nito at nginitian ako. Napakaganda ng anak ko, mana sakin. Oo sakin!





"Hilamos ka na baby, tas breakfast na ikaw sa baba." I told her while picking her up.





"Why mommy? isnt it saturday today?" tanong nya habang nakasiksik ang ulo sa leeg ko. Naglakad naman ako papasok sa cr habang buhat sya.





"Yes baby." Kala nya siguro at papasok sya sa school kaya ginising ko sya. Wala silang pasok ngayon dahil weekends. Pero pag weekdays, 7 am ang pasok nila hanggang 1 pm. 2 pm naman ang uwi ko galing trabaho.





Nang matapos sa paghihilamos si Krystal ay sabay na kaming bumaba, nanonood parin ng tv si Kristoff pero iba na ang palabas, hindi na balita sa umaga. Agad lumapit si Krystal sa kuya nya at humingi ng stick o, binigyan naman agad ito ng kapatid.





Drowned To YouWhere stories live. Discover now