Chapter 21.1

13K 196 45
                                    

Ayan ahh mga hindi binasa ng buo HAHAHAHAHAHA teteluk nyo!


________________

Bukas ang laban ni Steven.

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop at inaantay na dumating ang kameet up ko rito. Ang girlfriend ni Ivan. Si Ivan ang makakalaban ni Steven bukas para sa pagpili para sa national team.

Bago ko gawin ito ay pinagisipan kong mabuti ang gagawin ko. Alam kong pwedeng magalit sakin si Steven dahil dito pag nalaman nya pero hanggat maaari ay hini ako papayag na malaman nya ang tungkol dito.

Oo alam kong mali ang gagawin ko pero ito lang ang naiisip kong paraan para tulungan si Steven. Kailangan nyang manalo. At hindi nya kaya yun magisa dahil sa kalagayan nya.

Devastated sya sa pagkamatay ng daddy nya, kaya sure akong wala sya sa tamang wisyo para lumaban. Masyado syang nawala sa focus.

Hindi lang si Ivan ang kalaban nya. In fact apat sila pero si Ivan lang ang nakikita kong magaling talaga.

Siguro kung nasa maayos na kondisyon si Steven ay hindi ko na ito gagawin pero hindi ganon ang lagay e. Kaya kailangan kong gawin ito. Sorry Steven...

"Phoebe Salcedo?" tumingin ako sa magandang babae na nakatayo sa harap ko.

"Ah, yes." tumango ako rito at umupo sya sa harap ko.

Pinagmasdan ko sya. Maganda sya at mukhang mabait. Tahimik sya tignan at inosente. No offence meant pero halata talaga na mahirap lang sya. And Im using that.

"Totoo ba ang sinabi mo sa chat kagabi?" tanong nito sakin.

Kagabi ko sya chinat at inayang makipagkita ngayon. Nalaman kong sya ang girlfriend ni Ivan dahil open naman ang relasyon nila sa social media.

"Oo, name your price." taas noo kong sabi sa kanya. Napalunok ito at nagiwas ng tingin kaya lihim akong napangiti.

"K-kahit magkano?" nauutal na sabi nito na parang hindi makapaniwala sa naririnig nya.

Tumango ako at nginitian sya. "Kahit magkano."

"P-pero baka m-magalit sakin si Ivan." nakayukong sabi nito sakin.

"Its up to you. Hindi kita pipilitin."

Nagangat ito ng tingin sakin at seryosong nagsalita. "Sige, pumapayag na ako." napangiti naman ako sa sinabi nya. Tama ako, hindi ako mahihirapan.

"Good." may kinuha ako sa bag ko at inabot ko sa kanya iyon. Takang tumingin naman ito sakin. "Ayan ang ilagay mo sa ipapainum mo sa boyfriend mo." sabi ko dito.

Pills yun na ang resulta pag ininom mo ay makakatulog ka ng halos isang araw at manghihina ang katawan mo. Ayun ang iniinom ni mama dati.

"Yun lang ang gagawin ko diba?" kinakabahang sambit nya at tumango ako. "Bakit mo ba ginagawa ito?"

"You don't have to know." Sabi ko at aalis na sana nang may maalala. "Siguraduhin mong wala kang pagsasabihan." seryosong sabi ko sa kanya.

"Oo."















Paguwi ko sa apartment ko ay naabutan ko si Macy doon. Prente itong nakahiga sa kama ko at nagcecellphone.

"Hoy." untag ko rito.

"Saan ka galing? Bakit di ka pumasok?" tanong nito sakin at umupo.

"Kay m-mama." sabi ko at uminom ng tubig.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now