Chapter 19

11.8K 215 119
                                    

"Magiging okay ang mama mo, Phoebe." Inangat ko ang tingin ko kay tita Trish nang magsalita ito.

Nandito kami ngayon sa labas ng room kung saan inooperahan si mama. Nakaupo ako sa upuan at nakatayo si tita Trish sa harap ko.

"Tita Trish..." nanghihinang sabi ko habang patuloy bumabagsak ang mga luha ko kanina pa. "K-kala ko ba o-kay na? S-sabi mo d-diba okay na s-si mama... sabi mo okay na e." hagulgol ko.

"Akala ko rin, Phoebe. Akala ko rin..."
Umiiyak na sabi nito.

Kanina nung tumawag ang katulong at sinabing sinugod si mama sa hospital ay parang biglang tumigil ang mundo ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ni hindi ko na nga maalala kung pano ano nakarating dito magisa.

Sinaksak ni mama ang sarili nya.

Sabi ni ate Grace ay mukha naman daw okay si mama nung iwan nya sa kwarto. Pero nung nakarinig sya ng pagbasag ay agad syang umakyat sa kwarto ni mama at nakitang binasag nito ang malaking picture frame ng family picture namin. Ayun ang pinangsaksak ni mama sa tyan nya.

Hindi lang isang beses kundi tatlong beses. Pano pa kaya kung hindi naabutan ni ate Grace si mama. Ilang saksak kaya ang ginawa nya sa sarili nya? Mabubuhay pa kaya si mama?

Panibagong batch ng luha ang tumulo muli sa mga mata ko sa isiping iyon. Hindi ko kakayanin kung mawalan ng magulang. Hindi ko talaga kaya.

Napatayo ako nang makitang may lumabas na doctor mula sa operating room pagtapos ng ilang oras na operasyon. Agad ko itong nilapitan.

"K-kamusta po si m-mama?" kinakabahan na tanong ko rito. Ramdam kong namamasa ang mga palad ko dahil sa kaba.

"She's fine now. But she's still unconscious. Lets just wait for her to wake up." Nakangiting sabi nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Narinig ko rin ang kasiyahan ni tita Trish sa gilid ko pati narin ni ate Grace.

"T-thank you po." naluluhang sabi ko sa doctor. Tinapik nito ang balikat ko at umalis na.

Maya maya ay nilabas na si mama sa or. Bigla akong nahabag sa nakita ko. Puno ng karayom ang katawan ni mama. Hindi mo rin makikita ang mukha nito dahil sa nakalagay para sa oxygen. Halos ngayon ko lang din napansin na grabe ang ipinayat ni mama.

"Oh my God." bulong ni tita Trish nung makita rin si mama.

"Ang mama ko..."

Sinundan namin sila hanggang sa makapunta ito sa private room na pinahanda ni tita Trish.

Bago pumasok ay pinagsuot kami ng ppe. Agad akong lumapit sa nakahigang si mama, sumunod naman sakin sila tita Trish at ate Grace. Tinitigan ko ang itsura nya. Naawa ako sa mama ko.

Maya maya ay nagpaalam na sakin si tita Trish dahil may duty pa ito sa hospital, which is dito rin. Tinanguan ko ito at nagpasalamat.

"Kumain na po muna kayo maam." napatingin ako kay ate Grace. Nandito parin pala sya.

"Ikaw po ba kumain na?" tanong ko rito.

"Opo maam, kanina pa. Kumain na po kayo dahil mag aalas dose na po ng umaga at wala pa ata kayong kain simula kanina." Doon ko lang naramdaman ang gutom. Tinignan ko uli si mama bago tumayo.

"Pakitignan po si mama."

"Sige na iha, ako na bahala dito." napangiti naman ako sa sagot nya. Atleast hindi ako nagiisa ngayon.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now