Chapter 18

9.8K 188 50
                                    

Hi, I edited some parts. Yung sinulat ko na pagkagraduate ni Steven yung competition nya para sa national team ay hindi na po. Gagawin ko na po syang mas maaga. Isipin nalang natin na mga bandang January. Yun lang, enjoy reading!!!



And!!! Comment kayo kung gusto nyo makita si Steven haha. Pero bawal po magkacrush sa kanya a. Akin na po yun.

______________



"Gagi ang bilis nung Ivan." nagaalalang sabi ni Macy habang parehas kaming pinapanood ang mga lumalangoy ngayon.
Si Ivan ay isa sa mga kalaban ni Steven ngayon.

"Manahimik ka nga Macy." saway ko rito dahil kinakabahan rin ako.

Naka 50m na ang mga kalahok at medyo nauuna nga iyong Ivan, pumapangalawa naman si Steven sa kanya pero kaunti lang ang agwat nilang dalawa.

"Hala first place ata yung Ivan." gulat na sabi ni Macy nung maka 100m na sila Steven at di parin sya nakakaabot doon sa Ivan. I must say, mabilis talaga sya.

"Si Steven ang mauuna." seryosong sabi ko at pinagdadasal na sana si magfirst place si Steven.

Napatayo ako nang halos sabay si Steven at si Ivan na huminto. Parang slowmotion na tumingin ako sa scoreboard. Hindi ako humihinga hanggang walang nagfflash doon. Nang makita ang resulta ay napatunganga ako.

"Hala." Si Macy ang unang nagsalita. "Grabe, 0.1 sec lang ang agwat." sabi nya.

Second place lang si Steven. Nauna sa kanya si Ivan ng 0.1 sec, ganon kalapit.
Tumingin ako sa pwesto ni Steven at halatang hindi ito masaya. Seryoso ang mukha nito at di nagawang tumingin sa pwesto namin hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

"Tara na." Sabi ko at tumayo na. Sumunod naman sakin si Macy.

Dahil hindi naman kami pwede pumasok doon sa pinasukan ng mga swimmer ay tinext ko nalang si Steven at sinabing nandito kami sa labas.

Wala pang limang minuto ay nakita ko na si Steven na naglalakad palapit samin at nakasimangot ang mukha. Di ko na hinintay na makalapit sya at sinalubong ko na agad ng yakap.

"Okay lang yan, you did great." agad na sabi ko. Hinalikan naman nya ang tuktok ng ulo ko.

"Psh, I would have been the first if I hadn't just slipped there." Medyo nadulas kasi sya doon sa inaapakan nila bago magdive kanina.

"Yea, sinuwerte lang yung Ivan." sabi ko habang nabang nakasubsob parin sa dibdib nya.

Takang tumingin ito sakin nung ilayo nya ang ulo ko sa dibdib nya. "Bakit kilala mo yun?"

"Syempre inannouced name nya kanina." kibit balikat kong sabi. "Baka naman nagseselos ka jan?" natatawang tanong ko, tumango naman ito kaya hinampas ko sya. "Apakaseloso."

"Baka makalaban ko yun next year." sambit ni Steven habang nakatingin sa malayo.

"Saan? Sa pagpili para sa national team?"

"Oo, magaling din yon e. Looks like I need to train hard." seryosong sabi nya. Magaling ba talaga yon?

"Pano mo naman nasabi?"

"Galing ibang bansa yun. Top swimmer sya sa pinapasukan nya don."

"Ano kaba? wag ka nga panghinaan ng loob." sabi ko at mahinang sinabunutan sya kaya napatingin sya sakin. Inirapan ko sya dahilan para tumawa sya.

"Sino nagsabing pinanghihinaan ako ng loob? Naeexcite nga ako e. Ngayon lang ako nagkaroon ng kalaban na magaling." Mayabang na sabi sya habang tumatawa.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now