Chapter 25

15.9K 322 158
                                    


"Maganak ka na kasi, hindi yung anak ko yung pinagttripan mo jan." sabi ko kay Macy nang paiyakin nya nanaman ang mga anak ko.

Kanina pumunta sya dito sa bahay dahil naboboring daw sya sa condo nya. Sabi nya sa mga anak ko may ipapakita raw sya sa mga ito, kaya naman excited na lumapit sa kanya ang kambal.

Nagulat nalang ako ng biglang magsitakbo sakin ang mga anak ko habang umiiyak. Pano pinanood nanaman ni Macy sa kanila yung scary maze sa youtube. Walang magawa talaga.

"Ayoko pa. Nageenjoy pa ako, and David's busy too. Di pa kami ready magkaanak." balewalang sabi nya at pinalapit nanaman sa kanaya ang mga anak kong nanahimik na. "Tara na dito, sorry na." natatawang sabi nya. Halatang may pinaplano nanaman.

Yung mga anak ko naman ay parang walang nangyari dahil lumapit nanaman kay Macy.

Lumapit din ako sa kanya at sinabunutan sya ng patago. "Tigilan mo nga! pag nagkalagnat yang mga yan." saway ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako. "Sinasabi ko sayo pag nagkasakit yan kakalimutan kong magkaibigan tayo." pananakot ko sa kanya.

Ngumuso sya at umirap sakin. "Hindi na, namiss ko lang mga inaanak ko e." sabi nya at saka hinalikan sa pisngi ang kambal. "Miss nyo rin si tita ganda diba?" tanong nya sa mga ito at nagsitanguan ang dalawa habang tumatawa.

Napairap nalang ako at hinayaan silang magkulitan. Nilantakan ko nalang ang pizza at ice cream na dala ni Macy kanina.

Habang kumakain ay pinapanood ko kung pano masayang tumawa ang mga anak ko dahil kinikiliti sila ni Macy.

Hindi mo talaga maikakaila na anak ni Steven ang mga ito dahil kamukhang kamuka nya. Bwisit siguro enjoy na enjoy yung gago nayun sa twing nag sesex kami noon. Ganon daw yun e, kung sino kamukha ng bata ibig sabihin ayun yung pinakanagenjoy.

Hays, namiss ko sex.

Napailing ako sa naisip. Ano bayang mga naiisip ko. Pero totoo, namiss ko talaga. Si Steven parin kasi last ko. Hindi naman kasi ako nagjowa o lumandi man lang sa iba kahit maraming nagpapakita ng motibo sakin.

Ayoko lang.

Wala akong time sa love love na yan, ibuhos ko nalang sa mga anak ko edi may napala pa ako.

"Tita, you know kuya Steven? He's a great swimmer po. Last time he picked us up at school po." napatingin ako kay Kristoff nang magsalita ito. Pagtingin ko kay Macy ay nagtataka itong nakatingin tangin.

"Handsome po yun, tita." nabaling naman ang atensyon namin kay Krystal. "Pumunta po kami sa house nya, he made a slide for us!" masayang sabi ni Krystal.

"R-really?" hindi makapaniwalang sabi ni Macy at tumingin sakin. Umiwas ako ng tingin at napahawak sa sentido. Pakiramdam ko biglang sumakit ang ulo ko.

"Yes! He's so kind po, he said he will bring us to disney land when he's not busy na po." sagot ni Kristoff sa kanya at ramdam ko ang kasiyahan sa boses nito.

Napatingin naman uli ako sa kanila dahil hindi ko alam ang tungkol doon. Wala naman silang kinuwentong ganoon sakin nung nakaraan.

"He said that, Kristoff?" tanong ko dito at tumaas ang kilay ko nang bigla itong mapatakip sa bibig.

"Kuya toffy! kuya Steven told us to keep it a secret!" biglang sigaw ni Krystal at masamang tumingin sa kambal nya.

Wtf?! Did he just make my kids keep a secret from me?!

Tinignan ko lang ang kambal at hindi sila makatingin sakin. Ano bang sinabi ni Steven na mga anak ko?!

"What else did he said to you guys?" seryosong tanong ko sa kanila.

Drowned To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon