Chapter 11

8.5K 162 34
                                    

Nakaalis na si Marco pero di parin maalis sa isip ko ang sinabi nya. Distraction. Distraction lang ako sa pangarap ni Steven. Pero kung distraction lang ang pakikipagrelasyon sa kanya bakit magkarelasyon kami ngayon? Diba?



I mean, alam ko naman na no.1 priority nya ang dream nya, which is makasali sa national team ng bansa. Napatunayan ko lalo yun nung marinig ko ang pinagawayan nila ng ina nya nung nasa condo nya ako.



Ayun yung pangarap nya. Simula palang ayun na yung gusto nya, makapaglaro sa pambansang kompetisyon. At sino ba naman ako para humadlang. Di ko sinasabing lalayo ako. Di ko gagawin yon. Ngayong boyfriend ko na sya? Hinding hindi na ako papayag na mawala sya sakin.



Susuportahan ko sya. Pipilitin kong wag maging distraction sa kanya. Hindi, pinapangako kong di ako hahadlang sa gusto nya. Kung san sya masaya don ako. Di ako aalis sa tabi nya. Papatunayan ko sa kanya na hindi distraction ang pagkakaroon ng girlfriend, na hindi ako magiging sagabal sa kanya.



Mahal ko si Steven. At sinabi nya rin na mahal nya ako. Wala na akong ibang mahihiling pa. Kung kinakailangan na intindihin ko sya sa lahat ng bagay ay gagawin ko. Pangako.


"Hey, ang lalim ata ng iniisip mo." Nabalik ako sa katinuan nung magsalita si Steven. Nakaupo na ito sa unan na ginawang upuan. Nakabalik na pala sya, di ko napansin.


"Ah wala." nginitian ko sya at umalis sa loob ng tent at umupo sa harap nya.



"Kanina pa nandito ang pagkain?" tanong nya at sinumulang kumain, ganon din ang ginawa ko matapos magdasal.



"Kakahatid lang... natagalan ka yata?" Sabi ko, mahigit 10 mins rin kasi sya nawala.


"Nakita ko si tita, kinausap ako saglit. Nainip kaba?" nagaalangang tanong nya. Akala nya siguro ay galit ako.


"Hindi." Nakahinga sya ng maluwag sa sinabi ko at sinubuan ako ng steak. Steak ang sinerve samin ni Marco, masarap sya infairness a.








Nang matapos kami kumain ay naglakad lakad kami sa tabing dahat. Kahit madilim ay di mo maikakailang malinaw ang dagat at maganda rito. Napakalinis, hatalang inalagaan talaga.


Nakayapak kami ni Steven kaya naman napapatili ako pag dinadala ng alon ang tubig samin. Malamig kasi.


Magkahawak kamay lang kami at di nagsasalita. Ninanamnam lang namin ang kapayapaan ng paligid at ang init ng kamay ng isa't isa.


Contentment. Ayun ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sobrang saya lang sa puso. Ang wholesome ng mga kaganapan. Sana ay ganto kami palagi. Pero alam kong imposible kaya susulitin ko kung ano man ang nangyayari ngayon, at sa mga dumating na araw na kasama ko si Steven.



Maya maya ay naisipan na namin pumasok sa tent dahil malamig na talaga ang simoy ng hangin. Saka sayang naman ang tent kung di namin tatambayan. Mamaya pa naman kami uuwi.



"Steven." bigkas ko sa pangalan nya. Magkayakap kami ngayon dito sa loob ng tent habang nakahiga.



"Hmm?" Naramdaman kong hinalikan nanaman nya ang tuktok ng ulo ko. Teka, mabango parin ba buhok ko? mamaya hindi na nakakahiya.



"Bakit di mo ako pinapansin noon?" lakas loob kong tanong di parin bumibitaw sa pagkayakap sa kanya. Gusto ko talaga sya tanungin about dito. At di ko na napigilan ang sarili ko ngayon, gusto ko lang talaga malaman kung bakit.



Drowned To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant