Chapter 23

15.9K 331 81
                                    

A reminder. I wrote this story out of boredom. Yun lang po yun. I know I lack of experience in terms of writing a story, like expressing the characters feelings, describing the situations and many more.

Pero hindi ko sinasabi na mananatili lang ako kung hanggang saan ang kaya ko. Theres always a room for improvement, right?

So kung nakukulangan po kayo at may hindi nagustuhan, pls tell me. So I can learn from that.

Nappressure kasi ako dahil medyo madami na kayong nagbabasa and nagaabang sa update ko. At aaminin ko na kinabahan ako hahaha. First time e.

So yun, salamat.

_____________

"Makinig kay teacher, okay? Huwag makikipagaway." bilin ko sa kambal ng ihatid ko sila dito sa daycare na pinapasukan nila sa loob ng subdivision.

"Ako mommy hindi nakikipagfight. Si tally lang po yun." sagot ni Kristoff sakin habang sinusuot ko sa kanila ang maliit nilang bag. Ang kay Kristoff ay spiderman at ang kay Krystal naman ay unicorn.

Tinignan ko si Krystal at parang wala lang sa kanya ang sumbong ni Kristoff, nakataas pa nga ang kilay nya. "Syempre niaaway nila ako." mataray na sabi nito. Napangiwi naman ako dahil don.

Jusko, bakit ba sa dami daming pwedeng mamana sakin ni Krystal ay yung kamalditahan ko pa? Pwede namang purong kagandahan ko nalang diba? Diba?

"Bad ka, right mommy?" tanong sakin ni Kristoff kaya sakanya naman ako tumingin. Ngumiti ako at inayos ang mahaba nyang buhok.

"Hindi bad yun! Im just fighting for myself." sabi ni Krystal at tinarayan ang kuya nya.

Bumuntong hininga ako at lumuhod sa harap nila. Hinawakan ko ang tagisang kamay nilang dalawa kaya tumingin sila sakin.

"Yes, its not wrong when youre just fighting for yourself, its okay to defend yourself if you know youre the one who's right." seryosong sabi ko.

"Told you, ble." bulong ni Kristal at dinilaan ang kuya nya.

"But... ayaw ko kayong masaktan dahil sa pakikipagaway. Saka baby tally, diba you're pretty?" Nakangiting tanong ko rito.

"Yes po, like you." sagot nya at nag beautiful eyes pa.

"Yung mga kaaway mo ba pretty din?"

"No! Ako lang po maganda sa room, mommy!" inis na sabi ni Krystal na akala mo natapakan yung pagkatao nya. Jusko ang anak ko napakadramatic.

"No! Sam is pretty too!" gulat na napatingin naman ako kay Kristoff nang bigla itong sumigaw. Sinong Sam? At bakit kailangan nya pa makipagtalo sa kakambal nya?

"Youre saying that kasi crush mo sya." sagot naman ni Krystal kaya lalong nanlaki ang mata ko.

Ano daw?!

"N-no! B-bawal pa ako m-magkacrush!" nakatingin lang ako sa mukha ni Kristoff na namumula. Tumingin ito sakin at ngumuso. "Diba mommy?" tanong nya at wala sa sariling napatango ako.

"O-oo, bawal pa yun sa inyo, baby pa kayo." sabi ko ng makabalik ako sa katinuan mula sa pagkabigla. "Oh, diba mas maganda ka sa kanila, Krystal. Kaya wag mo silang papatulan kasi pag pinatulan mo sila ibig sabihin non mas maganda sila sayo." sabi ko.

Ofcourse hindi totoo yung sinabi ko. Sinabi ko lang yun para sundin ako ni Krystal. Kilala ko ang anak ko, takot sya makakitang nagaaway pero sya mismo ay matapang makipagaway. Minsan nga ay umiiyak ang kuya nya dahil sa katarayan nya.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now