Chapter 16

10.4K 197 64
                                    

"Kamusta si mama?" tanong ko kay ate Grace isang tanghali nang maabutan ko itong naglilinis sa sala. Araw ng sabado ngayon kaya naisipan kong pumunta dito sa bahay dahil wala naman akong klase.

"Okay lang naman po sya ngayon." sagot nito.

"Umiiyak parin po ba?" mahinang tanong ko rito. Yumuko ito at tumango. Napabuntong hininga naman ako dahil don.


"Sige po umuwi po muna kayo, ako na pong bahala kay mama. Balik nalang po kayo sa bukas." Sunod sunod kong sabi at saka nginitian ito.


"Sige po maam." Sabi nito at tinapos ang paglilinis sa baba. Inabutan ko rin ito ng limang libo.


Pagakyat ko sa kwarto ni mama ay nakita ko itong nakaupo sa tapat ng vanity mirror nya at nakatunganga sa sariling repleksyon sa salamin.


"Mama." tawag pansin ko rito at agad naman itong tumingin sakin.

"Anak, wala kang klase?" tanong nito sakin at ngumiti. Nagpapanggap nanaman sya.

"Wala po," nilapitan ko ito at kinuha ang suklay at sinuklayan sya. "Shopping tayo ma." Pagaya ko rito. Para kahit papaano naman ay malibang sya.


"You said you don't want new clothes, right?" nagtatakang tanong nito sakin pero halata sa mata nya na nagustuhan nya ang sinabi ko.

"Am I not allowed to change my mind?" natatawang sabi ko rito. Tumawa naman si mama at tumayo na.


"Okay maliligo na ako." sabi ni mama at pumasok sa cr. Gumaan naman ang loob ko. Alam ko kakayanin ni mama to. Hindi na mauulit ang nangyari dati. Sana.


Habang inaantay si mama ay nagtext sakin si Steven. Huling kita namin ay kagabi. Pinuntahan nya ako sa apartment ko at doon natulog. Pero paggising ko kanina ay wala na sya. May training daw sila.


:Baby, date tayo. Pagbasa ko sa text ni Steven. Tapos na siguro ang training nila.

:Sorry baby, may ginagawa ako ngayon e:( 
Kahit gustong gusto ko makipagdate ngayon sa kanya ay hindi ko naman pwedeng iwan si mama rito magisa.


:Di mo ba pwedeng iwan yan? sagot ni Steven. Ramdam kong nagtatampo na ito ngayon.


:Hindi e, next time nalang po.


:Punta nalang ako sa apartment mo.


:Wala ako sa apartment baby, next time nalang talaga hmm? sorry po.

:Okay.


:I love you.


Nagantay pa ako ng ilang minuto pero di na nagreply si Steven. Napabuntong hininga naman ako. Siguro nga nagtatampo nayon. Ngayon ko lang kasi sya tinanggihan. Susuyuin ko nalang sya. E anong magagawa ko, kailangan kong samahan si mama rito.


Tinignan ko ang oras at napansing halos kalahating oras na si mama sa banyo. Kinabahan ako bigla dahil di naman nagtatagal si mama sa pagligo pag alam nyang may nagaantay sa kanya.


Tumayo ako at lumapit sa pintuan ng cr. Narinig kong lumalagaslas ang tubig mula sa shower. Kinatok ko ang pintuan at lalo akong kinabahan nung hindi sumasagot si mama.


"Ma!" sigaw ko at patuloy kinakatok ang pintuan. "Mama! buksan mo yung pinto!" natataranta na ako at kinakalabog ang ang pintuan pero di parin sumasagot si mama.


Drowned To YouWhere stories live. Discover now