Chapter 9

7.6K 191 49
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana ng kwarto. Sinag ng araw? Bintana ng kwarto? Teka! Di dumadaan sa bintana ng kwarto ko ang sinag ng araw!


Bumangon ako sa pagkakaupo at napahawak sa ulo ko nang maramdamang parang tinutusok ito.

"Shit, sakit ng ulo ko."

Nilibot ko ang paningin sa kwarto kung nasasaan ako. Wala akong kasama dito. Pagtingin ko sa side table ay may nakita akong picture ni Steven. Nasa condo nya ata ako, alam kong may condo sya dahil may pagkastalker din ako non.

Napatingin ako sa suot ko at nakitang naka malaking hoodie ako. Suot suot ko parin ang dress ko sa loob. Ano bayan sayang, sana hinubad nya na yung dress ko para naakit sya. Char.


"The fuck Phoebe? Bakit nandito ka?" pagkausap ko sa sarili ko at pilit inalala ang nangyari kagabi.


Naalala kong nakita ko si Steven at si Veena, yung binastos ako ng lalaki at binugbog ito ni Steven. At nung maglasing kaming dalawa ni Macy.


Kahit pa sabihin na body shot lang yun at magkaibigan silang dalawa ay di parin tama yun dahil may girlfriend si Steven, which is ako. Tama ba na gawin nya yun? Di nya ba ako naisip? O naisip nya ko pero wala syang pake?


Ang sakit lang isipin na kaya nyang gawin ang ganong bagay kahit may girlfriend sya. Kaya natatakot yung mga babaeng iwan magisa yung boyfriend nila kasama ang mga kaibigang babae nito e!


Lalong nakakainis kasi bago palang kami, at baka wala pa syang pagpapahalaga sakin.


"Sabi ko nga, wag ako umasa masyado." bulong ko sa hangin. Namnamin ko nalang ang mga kaganapan ng kasalukuyan.


Tumayo ako at pumunta sa cr na nasa loob ng silid. Naghilamos ako at nagmumog. Habang naghihilamos ay bigla kong naalala na pinuntahan ako ni Steven sa pwesto namin ni Macy at pilit na inaayang umuwi. Wala na akong nagawa nun nung buhatin nya ako dahil mejo nahihilo na ako dahil sa alak. Nawalan ako ng malay nung sinakay na nya ako sa sasakyan. Binuhat nya siguro ako papunta rito. Di ko maiwasang kiligin dahil don.

"Isa Phoebe, galit ka remember?" sinampal ko ang sarili ko at tumingin sa salamin. "Pero... may karapatan ba ako magalit?"


Tinitigan ko ang muka ko sa salamin at ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Pinupunasan ko ito gamit ang kamay ngunit patuloy lang ito sa pagtulo.

"Ano ba yan, bakit ka umiiyak." sabi ko.

Dapat masaya lang ako kasi boyfriend ko na sya. At nandito ako ngayon sa condo nya. Tapos nakakasama ko sya at nahahalikan. Dapat wag akong umiyak dahil lang sa body shot nayun! Boyfriend ko na si Steven, pangarap ko to diba.


Pero alam ko sa sarili ko na hindi dahil sa body shot na yun kaya ako umiiyak. Umiiyak ako kasi natatakot ako. Ramdam kong sobrang mahal ko si Steven, at pakiramdam ko di nya yun kayang suklian. Pero okay nga lang. Okay lang sakin. Natatakot lang ako para sa sarili ko. Baka isang araw magising ako na wala na akong pagmamahal para sa sarili ko.


"Bwisit Phoebe, bakit ka ba nagddrama? Boyfriend ko na nga si Steven diba?" Kausap ko sa repleksyon ko sa salamin.

"Oo nga, boyfriend ko na nga sya. At narealize ko na di ko na talaga sya kayang pakawalan." sagot ko rin.

Kahit wala pang isang linggo nung maging kami, ayoko na agad sya mawala sakin. Iba yung contentment na nararamdaman ko pagkasama ko sya. Ayokong mawala yun. Mas lalo akong nabaliw ngayon. Akala ko nun baliw na baliw na ako sa kanya pero iba yung pagkabaliw ko ngayon. Narealize ko yun kagabi.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now