Steven's POV

9.9K 194 40
                                    

PART 2

Paglabas ko ng shower room ay naalarma ako nang makitang may nalulunod sa pool. Agad akong tumakbo at tumalon sa pool para iligtas kung sino man ang nalulunod.

Hinawakan ko sya sa bewang at hinarap sakin. Ganon nalang ang pagkagulat ko nang makitang si Phoebe ito.

Fuck! What happened?!

Bigla syang umiyak at yumakap sa leeg ko at inaamin kong nanigas ako dahil doon. Sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Sana hindi nya naririnig ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at galit.

Kasi pano nalang kung wala ako dito? Ano ng nangyari sa kanya?

"Stop crying, okay na." sabi ko sa kanya nang makaakyat na kami.

"I was so s-scared, I thought Im going to die!" umiiyak na sabi nya at sinandal ang ulo nya sa dibdib ko.

Niyakap ko sya para patahanin. Nagaalala talaga ako. Natatakot din ako sa thought na pano nalang kung hindi ko sya nakita? Baka nalunod na talaga sya tapos... fuck! ayokong isipin!

Tinanong ko kung bakit sya nagswimming at sagot nya ay namimiss daw nya. Hindi naman daw nya inasahan na pupulikatin sya.

"Buti nandito ako, pano kung walang tao dito." nanggigigil na sabi ko.

Pinilit ko naman na itago ang nararamdaman ko pero nahalata nya ang galit sa boses ko. Natakot lang kasi talaga ako para sa kanya. Kung nagkataon na may nangyaring masama sa kanya dito ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Kanina pa kita pinapatawag, Steven." medyo galit na sabi ni coach ng pumunta ako sa office.

"Sorry, coach, may inasikaso lang." nakayukong sabi ko.

Hindi parin mawala sa isip ko si Phoebe. Okay na kaya sya? Hindi na ba sya umiiyak? Tangina parang dinudurog yung puso ko kanina nung makitang umiiyak sya.

Gusto ko pa sana syang samahan don kaso tinatawag na talaga ako ni Veena at wala akong choice kundi sumunod dahil baka magalit si coach. At totoo nga, nagagalit na nga si coach ngayon.

"Steven! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" nabalik ako sa katinuan nang sumigaw si coach.

"Y-yes, coach."

"Ano yung sinabi ni Veena na may nalunod sa pool kanina?" tanong nya. Agad akong napalingon kay Veena at nagkibit balikat lang sya.

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Veena. "That's the girl who basted Gabriel, coach." nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.

Halatang nagulat si coach sa nalaman at galit itong tumingin sakin. "Layuan mo ang babaeng yun o kahit sinong babae, Steven. Napapansin ko na ring nawawala ka sa focus these days. Im serious, Montero." sabi ni coach at saka nagsimula na syang sabihin samin ang mga schedule ng bawat isa.

"What the fuck?" bulong ko kay Veena pero dinilaan nya lang ako.

Nagtagaytay kami. At hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Phoebe. Nakatingin ako sa kanya habang nakatutok sa cellphone nya habanh naglalakad.

Hindi nya ako nakita kaya nagkabanggaan kami. "Ay pota, ano bayan, uso tumingin sa dinadaanan." sabi nya habnag pinulot ang cellphone nya na nahulog.

Gusto ko man na ako ang pumulot nun at tanungin kung okay na ba sya ay hindi ko ginawa. Kailangan ko talaga umiwas.

"You're the one who's not looking miss." sambit ko at napansin kong natigilan sya nang mapagtantong ako ang nakabangga nya.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now