Chapter 8

7.8K 155 18
                                    

Pagkauwi ay nagpahinga muna ako dahil 10 pm pa namin balak pumunta sa bar. Umuwi rin muna si Macy at susunduin nalang nila ako ni David mamaya.

Nagmessage rin sakin si Steven na 9 pm sila pupunta sa bar malapit sa university. Nagusap lang kami saglit sa ig bago ako nagpaalam na matutulog. Hindi ko sinabi na pupunta ako sa bar. Balak ko lang kasi na bantayan siya. Mamaya may lumapit na mga babae sa sakanya. Subukan lang nila, makakatikim talaga sila.


Inaamin ko na dipa buo ang tiwala ko kay Steven. May part sakin na natatakot na baka pinagttripan nya lang ako dahil alam nyang gusto ko sya. Di ko maiiwasang isipin yun lalo na't pinilit ko lang sya.


Kapag tinatanong ko sya kung seryoso ba talaga sya sasabihin nya 'oo', gusto kong maniwala pero parang may kulang. Kung gusto nya pala ako bakit hindi nya ako niligawan noon pa? Bakit di nya ako pinapansin noon? Madali nalang naman sa kanya na ligawan ako dahil alam nyang gusto ko sya pero bakit di nya ginawa? Nagtataka lang ako.


Oo masaya ako, sobrang saya ko ngayon. Pero gumugulo parin sakin yung idea na baka tinetake advantage nya lang ako. Don't get me wrong, di ako magagalit kung ganon na nga ang sitwasyon. Okay lang sakin yun, walang kaso sakin kahit gamitin nya lang  ako. Gustong gusto ko si Steven, mahal ko sya.


I know ang tanga ko sa part na yun pero anong magagawa ko? Lahat naman tayo nagpapakatanga sa love. Kahit mali, kahit alam naman nating mali, kahit alam natin na nagmumuka tayong tanga, kahit alam natin na di natin deserve. Alam natin lahat yun pero pinagsasawalang bahala natin kasi don tayo mas sasaya diba? Kahit saglit lang.


Ayun yung mga gumugulo sakin, gusto ko itanong sa kanya ang napakadaming bagay kaso natatakot ako na baka tama ang hinala ko. Gusto ko nalang isipin na gusto nya rin ako, kahit di kalalim ng sakin ay okay lang. Basta ngayon masasabi ko na akin sya. Akin.












Saktong magaalasdiyes nang magising ako. Tinext ko si Macy kung nakaready naba sya, ang sagot nya ay papunta na sila dito sa apartment kaya naman agad akong pumasok sa banyo para maligo saglit.


Pagtapos ko maligo ay tinignan ko ang messages ko kung nagmessage uli si Macy. Sakto namang nagdm sakin si Steven. Picture yun ng kamay nya na may hawak na basong may lamang alak. Pinusuan ko iyon at nagreply ng 'enjoy!'. Nilapag ko na ang cellphone ko at pumunta sa cabinet ko.


Tinignan ko ang sandamakmak na damit. Mga jeans  na iba iba ang shade, mga skirts, dresses, croptops, cardigans, at marami pang iba. Ewan ko ba ang dami kong pinagbibibiling damit e di ko naman nasusuot lahat. Baka pag may time ay magpasama ako kay Macy na idonate nalang ito. Out of the trend na kasi yung iba kaya ayoko na rin suotin. Si mama rin ay ang hilig ako bilhan ng mga mamahaling damit, sure akong paguwi ko sa bahay ay puno nanaman ng mga paper bags yung kama ko.


Sinabi ko dati na tigilan nya na ang pagbili ng mga damit sakin pero ang sabi lang ni mama ay deserve ko raw yun. Saka dapat lang daw na gastusin namin ang pera ni daddy para sakin dahil iniwan kami nito noon.


Napagpasyahan ko mag backless dress at heels. Dinala ko rin ang isa sa mga cardigan ko kung sakali lamigin ako. Nilugat ko ang buhok kong hanggang bewang at naglagay ng light makeup. Di kasi bagay sakin pag masyadong makapal. Nagmumuka akong bakla. Magandang bakla. Chz.


Saktong pagtapos ko ay tumawag sakin si Macy at sinabing nasa baba na raw sila. Kinuha ako ang sling bag na nakasabit sa pinto at lumabas na.


"Tagal nyo naman? Sabi mo kanina papunta na kayo?" tanong ko agad kay Macy pagkasakay ko sa backseat. Tinignan ko ang suot nito. Nakasleeveless top sya at skirt na pinartneran ng boots. Nakakulot din ang buhok nito. Prepared. Si Davin naman ay naka simpleng tshirt at jeans.


Drowned To YouWhere stories live. Discover now