Steven's POV

10.4K 217 77
                                    

PART 3

"Dude, nabaliw pala mama ng girlfriend mo? Kamusta naman sya?" tanong sakin ng isa sa ka team mates ko.

Its been 2 weeks since I broke up with Phoebe and trust me, para akong nakalibing sa impyerno. Sobrang torture pala pag walang Phoebe sa buhay ko.

I missed her but I really need to focus more. Sana lang ay hintayin nya ako. Pero kahit hindi naman ay liligawan ko nalang ulit sya hanggang sa bumalik ulit kami sa dati.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"I saw Phoebe at the hospital yesterday. She's with her mother, I guess? Tinawag nyang mama e. Nagwala yung mama nya sa lobby tapos nalaman ko baliw daw iyon. Don't tell me hindi mo alam?"

Hindi na ako sumagot sa kanya at dali daling nagbihis para malaman ang totoo. Agad akong pumunta sa room ni Phoebe pero wala sya doon. Sakto namang nakita ko ang prof nila.

"Ah yes, pinayagan ko muna syang magabsent kasi kailangan nyang bantayan ang mama nya."

Nang kumirmahin ng prof ni Phoebe ang balita ay para akong biglang naging batang nawawala. Hindi ko alam nangyayari. Para akong naliligaw. Pano? Bakit? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi sinabi ni Phoebe sakin?! Tangina!

Lalong gumuho ang mundo ko nang malaman na iniwan sila ng daddy nya at sumama sa babae nito. Ayun ang naging dahilan kung bakit hindi nakarating si Phoebe nung anniversary namin. Dahil nagtangkang magpakamatay ang mama nya.

"Tangina! Putangina mo, Steven! Gago ka! Wala kang kwenta. T-tangina..." nandito ako ngayon sa condo ko at umiinom. Nanaman.

Pinagsususuntok ko ang pader para saktan ang sarili ko dahil dapat lang yun gawin sa sarili ko. Tangina! Wala akong kaalam alam! Sinaktan ko pa si Phoebe!

"I-im so sorry, baby..." iyak ako ng iyak habang nakatitig sa picture nyang nasa wallpaper ko.

I feel the guilt running through my veins, all over my body. I feel nothing but a guilt. Sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko. Hindi deserve ni Phoebe yun. Tangina ko.

"Argh!" sigaw ko at sinuntok nanaman ng napakalakas ang dingding. "Fuck you, Steven! Fuck you for hurting Phoebe! Fuck you for not there for her whenever she needs you! F-fuck you. You just broke your promise."

I've been like that for days. Wala akong ginawa kundi magkulong sa condo ko at uminom hanggang sa hindi na kayanin ng katawan ko at mawalan ng malay.

Alam kong pinapahirapan ko ang sarili ko pero kailangan kong gawin ito dahil kahit papaano ay nababawasan ang galit ko sa sarili ko. Alam kong hindi ako kayang saktan ni Phoebe kaya ako nalang ang gagawa para sa kanya. I deserve this.

I was walking down the corridor when I suddenly saw Phoebe. Her head is down and it makes me sad. Alam kong hindi parin sya okay. Nasasaktan parin sya dahil sakin.

Bago nya pa ako makita ay nagtago na ako. Ayokong magpakita sa kanya. Nahihiya ako. Hindi ko alam pano sya haharapin. Wala pa akong lakas ng loob.

Nang makalayo na sya ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at palihim na sinundan sya. Okay na to. Sa ganito kontento na ako. Nakikita ko sya. Kahit  masakit atleast nakikita ko sya.

"Steven! Hindi ka na umaattend sa training! Ano bang nangyayari sayo?!" isang araw sigaw sakin ni coach.

Hindi ko inaasahan na pupuntahan nya ako dito sa condo ko para pagsabihan. I thought I clearly told him that I quit. Wala na akong gana.

Drowned To YouOnde histórias criam vida. Descubra agora