Chapter 28

15.2K 293 80
                                    

"Daddy, I want this." rinig kong sabi ni Krystal. Tumingin ako sa kanila at nakitang tinuturo nito ang laruang barbie na may kasamang unicorn.

"Sure baby." sagot ni Steven sa kanya saka kinuha ni Steven ang laruan at inabot sakin para ilagay ko sa shopping cart na tulak tulak.

Nasa mall kami ngayon para mamasyal lang sana. Pero hindi ko napigilan si Steven nung dalhin nya ang mga anak ko dito para bilhan sila ng kung ano ano. Syempre yung kambal naman ay gustong gusto rin. Sige turo ng kung anong magustuhan.

"Madami na to, pagsasawaan din naman nila agad." bulong ko kay Steven na karga karga si Kristoff dahil nagiinarte.

Ngumiti ito sakin at umiling. "Hayaan mo na, deserve naman nila yan. Pag nagsawa edi idonate nalang natin." sabi nya kaya tumango nalang ako.

"Lakad na ikaw Kristoff, nabibigatan na si daddy mo oh." kanina pa kasi sya buhat ni  Steven, may sumpong nanaman.

Umiling si Kristoff at mas binaon pa ang ulo sa leeg ng daddy nya kaya napatawa si Steven.

"Its okay." sambit nya.

Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang sila at sumunod kung saan gusto nila pumunta. Mukhang nageenjoy din naman sila sa ginagawa nila e. Saka minsan lang din naman.

Ilang buwan na ang nakalipas simula nung payagan kong makakilala ng kambal si Steven bilang ama nila. At ilang buwan na rin kaming nagpapanggap na okay sa harap ng mga anak namin.

Kapag kasama namin ni Steven ang kambal ay naguusap kami pero kapag wala ay hindi ko na sya pinapansin. Pinipilit ko namang maging civil sa kanya pero hindi ko talaga magawa.

Palagi rin syang nagsosorry sakin sa tuwing may pagkakataon pero hindi ko talaga magawang patawarin sya. Alam ng diyos kung gaano ko sya gustong patawarin at tanggapin ulit kaso nga lang ay parang may pumipigil sakin.

Sa loob ng ilang buwan nayun ay sa bahay nakatira si Steven. Masyado nang nasanay ang mga anak ko sa presensya nya kaya mahihirapan kami kung hindi kami magkakasama sa iisang bubong.

Doon sya natutulog sa guest room. Hindi naman nagtataka ang mga bata kung bakit kami magkahiwalay ng kwarto ng daddy nila e. Kaya ayos na yun.

Tumigil ako sa paglalakad nang mapansing hindi ko na pala kasama ang magaama ko. Niliboy ko ang paningin sa lugar at naningkit ang mga mata ko nang makitang pinalibutan sila ng mga tao.

Agad na lumapit at sa kanila at napagtantong mga nakakakilala iyon kay Steven ay nagpapapicture sa kanya.

Sinilip ko si Krystal at nakitang mukhang nageenjoy ito sa atensyon samantalang si Kristoff ay parang anomang oras ay iiyak na.

Hindi na ako nagisip at agad sumingit para malapitan sila Steven at kunin si Kristoff. Pagharap ko sa mga tao ay bakas ang pagtataka sa mga mukha nito kaya bigla akong natauhan.

"Oh my gosh, sya po ba yung mommy?" tanong ng babae kay Steven. Tinignan ko si Steven at nakangiti itong tumango.

"Hala ang ganda nyo po." sabi sakin nung babae at awkward ko itong nginitian.

"So sya po yung sinasabi nyo sa interview?" tanong naman ng isa at hindi agad nakasagot si Steven.

Siniko ko ng palihim si Steven para sabihin na paalisin nya na ang mga tao dahil naiilang na ako at nagccause na rin yun ng istorbo sa ibang tao.

Tumikhim si Steven bago nagsalita. "Sorry guys pero pwede bang..." napairap ako nung hindi matuloy ni Steven ang sasabihin nya kaya ako nalang ang nagsalita.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now