Chapter 15

10K 166 70
                                    

Days, weeks, and months passed by so fast. Me and Steven were still together. Steven gained popularity because of his past competitions. And Im still here, supporting him.


Magiisang taon na kami ngayon ni Steven. At masasabi kong di puro masaya ang pagsasama namin. Minsan ay nagaaway kami dahil sa selos pero agad naman naming naaayos. Hindi naman sa wala kaming tiwala sa isa't isa, sadyang parehas kami mabilis magselos.


Mas naging busy sya ngayon dahil naging part-time model sya nang kunin sya ng isang producer nung mapanood nito ang laban ni Steven. Kaya minsan ay di kami masyado nagkikita. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman si Steven.


Gusto nya rin daw magkaroon ng sariling pera para makapagipon sya. Ayaw daw nya umasa sa magulang nya. Speaking of, hindi parin sila ayos ng magulang nya. Mas lumala panga dahil nagkasakit ang papa nya.


Nung mga time na yun ay sobrang down na down si Steven at sakin nya iniyak lahat. Sakin sya nagsumbong, nagreklamo at nagalit. Sakin nya binuhos ang nararamdaman nyang sakit dahil sa mga magulang nya. At wala akong ginawa kundi ang samahan sya.


Sa mga nagdaang celebrasyon namin ni Steven ay nagdedate kami kung saan-saang lugar. Sabi nya para raw espesyal. Sus, kala nya di ko alam na kaya gusto nya sa iba't ibang lugar para pag ginagawa namin ang did ay iba ang ambiance. Boring na daw kasi pag sa condo nya o sa apartment ko, wala na raw thrill. Kalibugan.



















Nandito ako ngayon sa apartment ko. Wala akong klase ngayon araw. Kanina tumawag si Macy at nagaayang magshopping pero tinanggihan ko dahil gusto ko lang mahiga dito sa kama ko. Speaking of Macy, sila na pala ni David. Kunyari pa sya e halata namang gusto nila ang isa't isa.


Si Steven naman ay di ko alam kung nasaan. Kahapon ko pa sya hindi nakakausap. Basta ang sabi nya lang sakin nung huling usap namin ay magiging busy daw sya. Gusto ko sana syang makasama ngayon araw kaso di pasya nagrereply sa mga text ko. Psh kala ko ba pagdating sakin may oras ka lagi.


Natigil ako sa pagiisip nang magring ang phone ko. Tumatawag si mama. Di ko ito pinansin at pinatay. Wala ako sa mood makipagusap ngayon. Saka baka kung ano ano lang sabihin ni mama.

Tumayo ako sa kama ko at naisipang magluto ng makakain. Habang naghihiwa ako ng sangkap ay biglang nagring uli ang cellphone ko kaya nadaplisan ko ang daliri ko dahil sa gulat. At agad nagdugo ito.


"Shit." bulong ko.


Kinuha ko ang cellphone ko habang sinisipsip ang daliring nasugatan. Si mama uli ang tumatawag. Labag sa loob kong sinagot ito dahil di naman ata sya titigil hanggang di ko sinasagot.


"What?" bungad ko. Nagtaka naman ako ng walang sumagot. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang nasa linya parin si mama. "Ma?" nagtatakang sabi ko.


["P-phoebe..."] naalarma ako bigla nang marinig na umiyak si mama. Humahagulgol ito sa kabilang linya at halatang nahihirapan.


"Ma! Anong nangyari? bakit ka umiiyak?!" nagaalalang sabi ko at lumapit sa cabinet para kumuha ng damit. Balak ko pumunta sa bahay ngayon.


["P-phoebe, yung d-daddy mo... iniwan nya ulit t-tayo."] napatigil ako sa ginagawa sa nalaman. Di ako makagalaw. Iyak lang ni mama ang naririnig ko sa kabilang linya. Di ko namalayan na tumutulo na rin pala ang luha ko. Mauulit nanaman ba?


"N-nasan ka m-ma?" mahinang tanong ko rito. Hinihiling na sana nasa bahay lang sya.


["Sa a-airport anak."] umiiyak na sambit nito.


Drowned To YouWhere stories live. Discover now