Chapter 12

7.9K 174 31
                                    

Nagising ako dahil sa patuloy na pagriring ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa gilid ko at nakitang tumatawag si Macy. Sinagot ko nalang iyon dahil di naman sya titigil kahit babaan ko.


"Punyeta ka talagang babae ka. Antok pa ako." sabi ko pagkasagot ko ng tawag, nakapikit pa ang mga mata. Gusto ko pa matulog e!


["Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you."] Pagkanta nya. ["Wag ka na magalit, birthday mo naman."] sabi nya at tumawa. Napadilat ako dahil don.


"Oo nga pala..." mahinang sabi ko. Saka ko lang naalala na birhday ko pala ngayong araw.
Nakita ko ring may mga text sakin si mama.

["Anong oo nga pala. Tara inom! bar tayo maya?"] excited na sabi nya.


"Gaga may boyfriend ako." sabi ko. Di na ako pwede magbar no. Ay pwede pala, basta kasama si Steven. Napangiti ako nang maalalang may date uli kami ni Steven ngayon. Ayun kasi yung sabi nya sakin kagabi sa call.



["Ay oo nga pala, edi punta nalang ako jan! Dala ako alak."] suggestion nya. Puro alak talaga to si Macy e. Kala mo malakas, e puro suka rin naman.



"May date kami ni Steven sabi nya." kinikilig na sabi ko. Narinig ko namang nagreklamo si Macy sa kabilang linya.


["Ano bayan! Ako kaya lagi mo kasama sa birthday mo, inaagaw ka ni Steven sakin kailangan na nya mabura sa mundo."] sabi ni Macy pero alam kong di sya seryoso doon, Baka nagtatampo lang.



"Next time tayo uminom." sabi ko.




Bumuntong hininga sya. ["Okay, So san kayo magdedate? Sana all!"] excited na uling sabi nya. Natawa naman ako dahil don. Alam kong masaya rin sya para sakin.


"Di ko pa alam, excited na ako Macy." masayang sabi ko at tumili, si Macy din ay tumili sa kabilang linya. Para kaming tangang dalawa siguro.



["Malandi ka. Birthday sex naba?"] tumatawang sabi sya. Bigla naman naginit ang pisngi ko. Naalala ko kasi yung nangyari dito nung nakaraan. Muntik na yun a!



"B-bababa ko na! M-magaayos na ako!" may sasabihin pa sana sya pero binaba ko na ang tawag. Kahit kelan bastos talaga ang bunganga nun ni Macy.



Umayos ako ng higa at tumitig sa kisame. Napangiti ako dahil excited na ko sa date namin ni Steven. Saan nya kaya ako dadalhin? Expensive restaurant tapos kami lang tao? Katulad ng napapanood ko sa tv. Char. Sabi ko nga pala simple lang.


Excited na talaga ako.


Naiimagine ko ang date namin mamaya. Sabi nya ay dinner date daw. Naiimagine ko na nakatitig lang kami sa isa't isa at puno ng pagmamahal ang mga mata. Yiee tangina kakilig yun. Tapos ikikiss nya ako, yayakapin ganon. Excited na talaga ako.


Ano kaya isusuot ko? Mag dress kaya ako o jeans? Ay dress nalang para elegant ganon. Tumayo ako sa kama at lumapit sa cabinet ko. Mamimili na ako ng susuotin ko mamayang gabi kahit alasdiyes palang ng umaga.


Napatigil ako sa pagkalkal ng damitan ko nung magring ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot yun nang makitang si Steven ang tumatawag.



"Hi baby!" masiglang bati ko rito. "How's your sleep?" tanong ko at umupo muna sa kama. Anong oras na kasi kami natulog dahil inabot kami ng madaling araw sa call. Sya ang unang bumati sakin.



["Good morning baby, Im good. Happy birthday uli."] sabi nya. Otomatikong napangiti naman ako dahil sa kilig. Ang gwapo talaga ng boses nya sa call. Kasing gwapo nya.



Drowned To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon