Chapter 13

8K 156 13
                                    

Nagdaan ang mga araw at pasko na kasama ko lagi si Steven. Minsan ay ako ang pupunta sa kanila, madalas ay sa apartment ko sya tumatambay. Wala silang training dahil pahinga nila at ako naman ay hindi sumama kela mama magout of town, kaya lagi kami magkasama ni Steven.


Minsan ay nagroroadtrip kami kung saan saan. Minsan ay magaaya syang mamasyal o kumain sa labas. At minsan naman ay magkayakap lang kami sa kama.


Masaya. Sobrang saya. Bumawi talaga sya sakin nung di sya nakapunta sa birthday ko. Tinupad nya yung sinabi nya. Ayos din dahil kung di ko sya kasama ay malamang sa malamang magisa lang ako lagi dahil wala si Macy. Nagbakasyon sila ng pamilya nya sa probinsya. Gusto nya pa nga ako isama pero mas gusto ko lang talaga sa apartment ko.


Hindi rin sumama si Steven sa pamilya nya na magbakasyon. Tinanong ko kung bakit ang sagot nya lang ay tinatamad daw sya. Sure naman akong di ayon ang dahilan. Baka ayaw nya palang sabihin sakin.


Nung pasko ay magkasama naming sinalubong yun. Simpleng date lang ang ginawa namin sa condo nya. Kaming dalawa ang nagluto. Shookt ako dahil masarap pala sya magluto, lalo tuloy ako nainlove.


"Lalim ng iniisip mo." Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Steven sa likod ko.


Nandito kami ngayon sa tabing dagat at nakasandal ako sa dibdib nya. Ang kamay nya naman ay nakapatong sa tyan ko. Dito namin sasalubungin ang bagong taon. Kaming dalawa lang.

Natatawa nga ako dahil parang parehas kaming dalawa. Dahil parang okay lang sa magulang namin na hindi kami kasama. Ewan ko kung good thing bayon dahil may chance kaming dalawa ni Steven na magsama, o bad thing dahil parang walang pake samin ang parents namin.


"Ah wala." Sagot ko at pinagsiklop ang mga kamay namin.


Ilang minuto nalang ay mag aalasdose na at bagong taon na. Di ko alam kung bakit dito gusto ni Steven na salabungin namin ang bagong taon. Pero okay narin dahil napakaganda pagmasdan ng dagat, mahinahon.


"Ano ba iniisip mo? Sabihin mo sakin." malambing sa sambit ni Steven at hinalikan ang ulo ko. Napangiti naman ako dahil don.


"Ikaw, ikaw lang naman lagi nasa isip ko." seryosong sabi ko pero natawa rin dahil nacringe ako. Narinig kong tumawa rin si Steven.


"Corny mo baby." tumatawang sabi nya kaya kinurot ko sya sa kamay. Nangaasar pa e.


"Wow ah? Kung may corny sating dalawa ikaw yon. Kapal ng mukha nito." Mataray na sabi ko. Sya kaya mas corny jan. Di ko na nga lang pinapansin minsan e baka mapahiya sya sakin.


"Kinikilig ka naman sa kacornyhan ko." Proud na sabi nya sabay tumawa. Nainis naman ako kaya umalis ako sa pagkakasandal sa kanya. "Wews yan na, pikon na sya." Tumawa pa sya nang mas malakas kaya di ko napigilan ang sarili ko na sabunutan sya. Nakakainis kaya sya! Hilig mampikon. Sumigaw naman sya ng aray pero tumatawa parin.


"Epal mo. Don ka nga." sabi ko at lumayo sa kanya. Kunyaring tinataboy ko pasya na parang  aso. "Shu, shu."


"Sakit nun a, may pagkasadista ka rin e no." Tumatawa paring sabi nya at inayos ang buhok nya. Masakit talaga yun! Kasalanan naman nya.


"Deserve." irap ko sa kanya. Di naman sya makapaniwalang napatingin sakin.


"Grabe." Sabi nya at lumapit sakin para akbayan ako. Hinayaan ko nalang sya. "Di ko alam na naggirlfriend ako ng maldita." Sabi nya.


"Di ka talaga titigil?" Nilingon ko sya ng nakataas ang kilay. Bigla naman sya tumigil sa pagtawa at sumeryoso ang mukha.


"Eto na nga. I love you." sabi nya at hinalikan ako sa labi saglit. Eto naman akong nagpigil ng ngiti. Umaatake nanaman karupukan ko e.



Drowned To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon