Chapter 14

8K 168 40
                                    

Ngayong araw ay 1st monthsary namin ni Steven. At kasalukuyan kaming nandito sa vacation house nila sa Cebu. Kami lang ang nandito at ang tagabantay ng bahay. Kahapon pa kami nandito at bukas kami ng hapon uuwi dahil may mga klase kami.


"Bili tayo mga pasalubong." sabi ko kay Steven habang nagtatanghalian kami sa hapag. Umalis kanina ang tagabantay ng bahay, dahil pumupunta lang naman yun dito para maglinis.


"Okay, mamaya." Sabi nya saka sinubo sakin ang pancake. Ngumanga na ako pero bigla nya binawi yung sinusubo nya. Sinamaan ko ito ng tingin kaya sinubo nya na uli ang pancake. "Sungit." sambit nya.


"May laban ka uli next month diba?" tanong ko. Ang pagkakaalam ko kasi lalaban uli sya para tignan ang record nya kung consistent ba ito. Puro first place kasi sya sa lahat ng category nya nung nakaraang laban nya. Nakakaproud.


"Yea..." tumahimik sya saglit kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin ito sa kung saan. "Malapit ko na maabot pangarap ko." sabi nya sabay ngiti at tumingin sakin. Nginitian ko naman sya.



"Isang taon nalang." Proud na sabi ko. At sinubuan sya ng pancake.



"Oo. Pag napatunayan ko na consistent ang laro ko ay malaki ang chance na makasali ako sa national team." excited na sabi nya. Natutuwa naman ako dahil mukang masaya talaga sya sa idea nayon.


"Kelan laban nyo non?" curious na tanong ko at uminom ng gatas.


"Next year mamimili ng mga sasali sa national team. Ang malapit na rin ako grumaduate." Sambit nya. Oo nga pala, graduating na sya next school year. Nalungkot naman ako bigla kasi di ko na sya makikita sa university. Napansin nya naman yon kaya pinitik nya ang noo ko.


"Aray!" reklamo ko sa kanya at hinimas ang parteng pinitik nya. Ang sakit kaya nya mamitik! Pati daliri nya ata may muscles!


Tumawa sya at tinitigan ako. "Wag ka malungkot, lagi parin naman tayo magkikita. And one year lang naman agwat natin." Sabi nya. Wala naman akong nagawa kundi tumango tango nalang. May iba akong nararamdaman pero di ko na inisip pa.




















"Ano bayan? Ang panget nyan Steven. Kanino mo ibibigay yan? Parang may galit ka ata sa pagbibigyan mo." Mahinang sabi ko kay Steven dahil baka marinig ako nung tindera. E totoo naman kaming ang pangit nung kinuha ni Steven. Di mo malaman kung ano. Mga pangdisplay yun, may mas maganda pa naman pero yung pangit at kinukuha nya.



"Hoy judger ka." bulong nya sakin at tumawa ng mahina. Pinilit nya talaga bilhin yung bagay na yun.


Ako naman ay bumili ng mga keychain at ibang pangdisplay. Bumili rin ako ng mga pagkain dito. Baka magtampo si Macy pag wala akong pasalubong sa kanya.



"Ano may bibilhin kapa?" tanong ko sa kanya nung makalabas kami sa shop na yun. Tumigil kasi sya bigla at parang may inaalala. Nagulat ako nung bigla itong bumalik sa loob ng shop. Problema nun? Susundan ko sana sya pero may nagsalita sa gilid ko.


"Hi miss." Sabi nung lalaking naka shades at nakangiti sakin. Parang kasing edaran lang namin sya.


"Ahm hello." sagot ko rito at nginitian rin.


"Nagbabakasyon ka rito?" tanong nya sakin. Napairap naman ako ng palihim. Obvious ba?


"Ah oo." Sabi ko at ngumiti ng peke. Napakamot naman ito sa ulo. Ano to may kuto ba to? Kalalaking tao a.


Drowned To YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang