Chapter 29

14.4K 270 123
                                    

Ngayong araw ang birthday ng kambal.
Kasalukuyan kaming nagaayos ni Steven dito sa sala dahil dito iyon gaganapin.

Balak pa sana ni Steven sa Hotel ganapin kaso hindi ako pumayag. Masyadong engrande yun at public. Ayokong masyadong maexpose sa media ang mga anak ko.

Kaya eto kami ngayon, hindi magkaugaga sa pagaayos dahil kaming dalawa lang naman ang nandito.

"Angat mo pa konti dito." utos ko kay Steven na nagdidikit ng mga lobo.

"Sabi mo ibaba ko." parang inis na sagot nya at tumingin sakin. Tinaasan ko sya ng kilay kaya umiwas agad nya ng tingin at sinunod ako.

Susunod din pala e.

Napairap ako nang sumobra nanaman sya. At kailangan nya ulit ibaba yun. "Ano bayan! Ang oa kasi ng galaw mo!" asar na sabi ko. "Ayusin mo kaya."

Kanina pa kasi kami nagaayos dito. Kung abot ko lang ay ako na ang nagdikit ng mga lobo, kaso hindi. Si Steven ang pinagawa ko pero eto hindi marunong tumingin kung pantay ba o hindi.

"Okay, baby." malokong sabi nya saka ngumisi sakin.

Kinurot ko naman sya sa bewang kaya napahawak sya doon at bumaluktot ang katawan nya. "Baby mo mukha mo." I said then intentionally flip my hair at his face.

Iniwan ko na sya doon at bumalik sa kusina dahil may niluluto pa ako. Marami akong niluto dahil medyo marami ang bisita namin.

Sabi ni Steven ay pupunta raw ang mga kaibigan nya at pumayag naman ako. Pinapunta ko rin si Diane dahil kinukulit nya talaga ako. Si Macy naman at David ay di ko sure kung makakapunta dahil busy masyado. Pero sana pumunta sila, namimiss ko na rin si Macy.

Habang nagluluto ay tumunog ang cellphone ko kaya iniwan ko muna ito saglit para sagutin ang tawag ni Mama.

"Hello, ma. Bakit?"

["Phoebe, anak. Can I bring someone with me?"] dahan dahang sambit ni mama sa kabilang linya.

"Okay lang ma, kaibigan mo ba?" sagot ko. Wala namang problema sakin kung may isama sya.

Kumunot ang noo ko nung may marinig na parang pamilyar na boses. Kausap iyon ni mama at medyo matagal bago sya sumagot sakin. ["Y-yes."] simpleng sabi nya.

Alanganin akong tumango bago nagsalita. "Sige ma, may niluluto pa ako e. Text me when you're on your way here." sabi ko saka pinatay na ang tawag.

Nga pala, alam na ni mama ang tungkol kay Steven. Una ay nagalit ito kay Steven at hindi pinansin ng ilang buwan. Pero after naman nun ay naging okay na si mama kay Steven at close na nga sila ngayon e.

"Bumalik ako doon, Phoebe."

Napapikit ako nang marinig ko na nanaman ang boses ni Steven sa utak ko. Hindi ako pinapatulog non.

Ilang linggo na ang nakalipas simula nung gabi nayon pero hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng mga salitang sinabi nya sakin. Binabagabag parin ako ng mga iyak nya.

Ewan ko pero bigla akong naawa sa kanya. Hindi ko maimagine kung gaano sya kalungkot at nasasaktan dahil magisa lang. Oo nasaktan din naman ako pero hindi ako magisa non.

I have my mom and Macy, and Steven has noone.

Pagtapos non ay nagpasya ako na maging mabait at civil sa kanya. Hindi ko na sya iniiwasan o sinusungitan—minsan lang, pero kasi mapagasar sya.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now