Chapter 27

14.7K 279 105
                                    

Yes, nagpublish ako kanina ng chapter 7 pero niunpublish ko agad kase balak ko mag double ud tom para hindi kayo mabitin. Hindi ko naman alam na nagnotif pala sa inyo HAHAHAHAHAH sorry. Eto na ppub ko nalang ulit.

_____________

"Diane umayos ka nga, oras ng trabaho tatamad tamad ka jan." inis na sabi ko kay Diane. Simula pagpasok ko kanina ay parang lantang gulay ito kumilos. Hindi nya ba alam na nakakaapekto yun sa iba.

"Eh kasi naman maam, may anak na pala si Steven." malungkot na sabi nito at may papunas punas pa kunyari ng mata kahit wala namang luha.

Napairap ako. Hindi ko alam kung magguilty ba ako o maiinis o maaawa sa kanya. Mukhang nabigla talaga sya sa balita ng crush nya.

Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Magtrabaho kana, ililibre kita mamaya sa labas." tipid na ngiting sabi ko. Mas nangibabaw ang pagkaawa ko sa kanya e.

"Talaga?" lumiwanag ang mukha nya at ngumiti sakin. Tumango naman ako at saka bumalik na sa table ko.

Nang maglunch time ay inaya ko na si Diane na kumain sa labas. Dito lang din kami kumain sa malapit na restaurant para hindi kami magmadali.

Habang kumakain ay daldal ng daldal sakin si Diane tungkol sa kung gaano daw sya kabroken nung nalaman nyang may mahal ng iba si Steven at may anak na rin.

Ako naman si tango ng tango sa sinasabi nya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Gusto ko na rin talagang sabihin na ako yung ina ng mga anak ni Steven pero baka lalo syang mabigla.

"Phoebe." sabay kaming napatingin ni Diane sa nagsalita sa gilid namin.

"Gabriel." bati ko sa kanya. Mukhang galing sya sa meeting dahil naka suit sya.

"Uy si Mr. Architect. Magkakilala kayo maam?" tanong ni Diane na pabalik palik ang tingin saming dalawa ni Gabriel.

"Can I sit here?" tukoy ni Gabriel sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Tumango nalang ako at sinimulan ulit ang pagkain. Narinig ko pang tinawag ni Gabriel ang waiter at sinabing dito na ihatid ang pagkain nya.

"Magkakilala pala kayo maam? May something ba sa inyo?" pasmadong sabi ni Diane kaya sinamaan ko sya ng tingin. Kahit kailan talaga tong babaeng ito.

Tumawa si Gabriel nang mahina. "How I wish na may something kami, bawal na e." sabi nya kaya sya naman ang sinamaan ko ng tingin.

Natameme naman si Diane at hindi na nagsalita. Nagpasalamat naman ako dahil doon. Baka kung ano pang sabihin nya.

"About last time." lumingon ako kay Gabriel nang magsalita ito ulit. "Hindi ko talaga alam na pupunta doon si Steven, hindi ko alam pano nya nalaman na nandon ka." sabi nya.

"Okay lang, nangyari na." sagot ko at sumubo ng pagkain.

"So... totoo nga na may anak na kayo, kambal pa. Ayos din yun si Steven ah." tumatawang sabi nya kaya napairap ako. Anong nakakatawa doon? Kahit kelan talaga hindi natin malalaman kung anong tumatakbo sa isip ng mga lalaki.

"Yea." simpleng sabi ko.

"Sinend nya sa gc namin yung picture ni Kristoff at ni Krystal. The twins really looks like him." natigilan naman ako sa sinabi nya.

Mukhang gusto talaga ni Steven na ipagkalat na may mga anak na sya ah. Parang hindi sinabing.... whatever.

"Talaga?" tanong ko at tumango sya.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now