Steven's POV

14.1K 364 130
                                    

LAST

Bumalik ako. Naisip ko bakit ko pa sasayangin ang oras kung pwede naman namin ibalik agad. Kung hindi nya mahal ang sarili nya, ako! Ako ang magmamahal sa kanya.

Pero wala na sya sa condo ko. Umalis na sya. Pumunta agad ako sa apartment nya pero wala na sya don. Baka may pinuntahan. Bukas... bukas ko sya hahanapin at magsosorry ako sa kanya.

Kinabukasan pinuntahan ko uli sya sa apartment nya pero ganon nalang ang pagkabigla ko nang sabihin ng mayari na umalis na don si Phoebe. Pero hindi ako nawalan ng pagasa. Pumunta ako sa bahay nila pero wala akong naabutan. Umalis na rin sila.

I feel so lost. Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. I keep on calling and sending messaged to her pero walang sagot. Maybe she changed her contact number.

"Please tell me where did she go. Im begging you." pakiusap ko sa kaibigan nyang si Macy.

Ilang araw ko sa itong sinusundan at pinipilit na sabihin sakin kung nasaan si Phoebe pero iisa lang ang sagot nya.

"Tigilan mo na si Phoebe. Hindi ko alam kung nasaan sya. At kung alam ko man ay hindi ko sasabihin sayo."

Months passed and still no Phoebe. Hindi ko alam kung okay lang basya, kung nasa maayos ba syang kalagayan. Nagaalala ako. Maski social media nya ay hindi na active. Wala akong balita sa kanya na kahit ano.

"Umiinom ka nanaman." isang gabi sabi sakin ni Gab nang maabutan nya ako sa condo ko na umiinom.

"H-help me, Gab. I m-miss her so much. G-gusto gusto ko na sya mayakap. M-mababaliw na ako." umiiyak na sabi ko.

"Kasalanan mo naman kasi. Bakit mo sya tinulak palayo sayo tapos ngayon tignan mo sarili mo. You look so fucking wasted!"

"I-i know. I know that its my f-fault. Nagsisisi na ako. S-sobrang nagsisisi na ako... kung p-pwede ko lang m-mabalik ang oras h-hindi ko na sasabihin sa k-kanya yun. I-im so s-stupid. P-pinakawalan ko si P-phoebe."

Hanggang sa dumating ang araw ng graduation. Umasa akong magpapakita sya kahit ngayon lang pero hindi talaga. Kinalimutan nya na talaga ako. Ang sakit sakit.

Pagtapos ng graduation ay pumunta ako sa apartment ni Phoebe kung saan ako tumutuloy. Kahit wala sya dito ay nararamdam ko parin ang presensya nya sa loob ng silid kaya ayos na ko dito.


Tinitigan  ko ang mga pictures namin na dinikit ko sa pader at hinayaang tumulo ang luha ko. Araw araw nalang ganito. Ang lungkot lungkot. Magisa lang ako. Wala akong kasama kundi sarili ko lang.

Si Phoebe lang ang meron ako pero pinakawalan ko sya. Ako na yata ang pinakatangang lalaki sa buong mundo.

Then I decided. Pupunta ako sa ibang bansa para magsanay at hindi ako titigil hanggat hindi ako nagiging successful. Gagawin ko lahat yun nang si Phoebe ang inspirasyon ko.

She wanted this. She wants me to achieve my dream more than myself. Nagsakripisyo sya para matupad ko ang gusto ko at hindi ko yun sasayangin.

"Wait for me, baby. Pagbalik ko hahanapin kita. Kung kailangan halughugin ko ang buong pilipinas gagawin ko mabawi kalang."

After 6 years. Mahirap man pero nagawa ko. Naging kilala ako sa buong mundo at natupad ko ang gusto ko. Maraming nangyari pero atleast ngayon uuwi na ako.  Makikita ko na ulit si Phoebe.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now