Steven's POV

14.4K 198 14
                                    

PART 1

"Kuya."

Napatingin ako sa tumawag sakin. May kasama sya isang babae  na kaibigan nya ata at hula ko ay bagong estudyante sila dito.

"Yes?" I asked while staring at her. I must say, she's beautiful.

"Saan yung library?" tanong nya. Lihim akong napangiti dahil ang taray ng boses nya. And I like that.

Nakita kong tinignan nya ako ulo hanggang paa saka tinaasan ako ng kilay, Inaantay ang sagot ko kaya tinuro ko sa kanila kung saan ang library. Mukhang naiinip na e.

Sungit.

"Gab, crush mo oh." sinundan ko ng tingin ang tinignan ng mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa bar.

Nakita kong nakatingin sila sa dalawang babaeng nakaupo sa couch. Kumunot ang noo ko nang mamukhaan sila. Yun yung masungit.

"What's her name again?" tanong ni Angelo kay Gab.

"Phoebe Salcedo. Ganda no? Hindi ako makaporma, laging nakataray e." rinig kong sabi ni Gab na ikinatawa ni Angelo.

So, Phoebe huh?

I secretly watched Phoebe from afar. Nagtatawan sila ng kaibigan nya habang umiinom. Hindi na ako magtataka kung bakit sya crush ni Gab. Maganda naman kasi talaga sya at sexy. Mataray nga lang.

Nawala ang atensyon ko sa magkaibigan nang tumayo si Gab at sinabing kailangan na daw nyang umuwi. Wala naman kaming nagawa kundi hayaan sya.

When he left I looked again in Phoebe's direction. My forehead frowned nang makita kong may tatlong lalaki ang pilit na hinihila silang dalawa.

Hindi na ako nagdalawang isip at agad na lumapit sa pwesto nila. Hindi ko alam kong anong meron sakin pero ramdam na ramdam ko ang galit na dumadaloy sa sakin dahil sa nakikita.

"Get off me, what the fuck?!" sabi ni Phoebe sa lalaking may hawak sa palapulsuhan nya.

"Doon na kayo umupo sa table na—"

"Tanga ba kayo?" singit ko.

Lumingon ito sakin at tinaasan ako ng kilay. "Sino ka naman? Umalis kana dito men, wag ka na magpapansin sa dalawang chix nato." mapagasar na sabi nya.

"Gusto pa ata magpakahero." tumatawang sabi naman ng isa.

"Tanga nga." sabi ko. Kanina hindi pa ako sure kung tanga sila pero ngayon ay sure na sure na.

"Anong sabi mo?!" mukhang nagalit naman ang lalaking nakahawak kay Phoebe dahil sa pagsigaw nito.

Tumingin ako kay Phoebe. Nakatitig ito sa mukha ko kaya napalunok ako. Pakiramdam ko naginit ang pisngi ko. Wtf?!

Tumikhim ako bago nagsalita. "Bitawan mo na." Seryosong sabi ko.

Hinawakan ko ang lalaki sa balikat at nakita kong napangiwi ito sa higpit ng pagkakapisil ko doon.

"Tangina naman!" sigaw nya at nung binitawan ko ang balikat nya ay binitawan nya si Phoebe dahil hinawakan nya ang parteng balikat na pinisil ko, halatang nasasaktan.


"Umalis na kayo dito kundi aabot tayo sa police station. Ayaw nyo naman siguro makulong diba?" sabi ko. Nagtitimpi lang ako. Gustong gusto ko na sapakin ang mukha ng lalaki na ito pero hindi ko magawa dahil baka maturnoff si Phoebe sa ganong lalaki.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now