Chapter 17

9.4K 203 31
                                    

"Huy nagtext sakin si Steven." agad akong napalingon kay Macy na sumisimsim ng milktea nya. Nandito kami ngayon sa coffee shop na lagi naming pinupuntahan sa loob ng university.

"Anong sabi?"

"Tinatanong kung kasama raw ba kita."

"Sabihin mo hindi!" agad na sabi ko.

"Hala gago sabi ko oo." Napatampal naman ako sa noo ko. "Tinanong rin kung nasaan tayo ngayon." sabi nya.

"Wag mong sabihin kung nasaan!" sigaw ko pero tumingin lang sya sakin at ngumiti. Napairap naman ako dahil alam ko na.

"Nasabi ko na hehe." sabi nya at ginawang pangharang ang mga kamay nung ambahan ko sya ng hampas. Bwisit na Macy.

"Hayaan mo sya." Inis na sabi ko at kumain ng cake.

"What happened ba?" takang tanong sakin ni Macy. Hindi ko kasi sinabi sa kanya. Wala akong kinukwento kay Macy. Siguro sa susunod nalang.

"Wala." seryosong sabi ko. Tumango nalang si Macy at di na nangulit. Alam naman nya na kung gusto ko ikwento ay ikkwento ko.

Ayoko kausapin si Steven dahil galit parin ako dahil sa sinabi nya kahapon sakin. Di ko lang lubos maisip na kaya nya akong pagbintangan ng ganon bagay e alam naman nya na mahal na mahal ko sya.

Ang sakit lang isipin na ganong klaseng babae ang tingin nya sakin e samantalang buo na buo ang tiwala ko sa kanya. Halos wala na nga akong pakealam sa sarili ko dahil kay Steven nalang akong buong atensyon ko.

Kahapon nung makauwi ako ay pumunta ako sa bahay at sinamahan si mama doon kahit nagtatampo sya sakin. Tita Trish confirmed that my mom mental illness came back. Sinabi rin nya na twice a week sya dadalaw sa bahay kaya naman kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Kahit gusto naming dalhin si mama sa hospital ay hindi pwede dahil baka lalong lumala ang sakit nya. Hanggang maaari ay hindi namin sinasabi sa kanya ang totoong sitwasyon nya, dahil yun daw ang mas nakakabuti.

Tinatawagan ako ni Steven at tinetext pero kahit isa ay wala akong sinagot doon. Ayoko talaga sya kausapin dahil baka kung ano pa ang masabi pag di ko napigilan ang sarili ko. Kaya mas pinili ko nalang magisip isip muna.

"Una na ako Bee, nagtext si David." napatingin ako kay Macy at inaayos na ang gamit.

"Iiwan mo ako dito?" di makapaniwalang sabi ko. Mukhang inaagaw narin sakin ni David si Macy a.

May tinignan ito sa likod ko at tumingin uli sakin. "Kaya mo na yan, bye!" Sabi nya ay hinalikan ako sa pisngi at nagmamadaling umalis.

Agad din akong tumayo at inayos ang gamit ko. "Sabay na tayo sanda—!"

"Phoebe." naputol ang sasabin ko at napatigil sa ginagawa ko. Naramdaman kong nakatayo si Steven sa likuran ko.

Huminga ako nang malalim at di sya pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagaayos sa gamit ko. Handa na sana ako umalis at lagpasan sya pero agad nyang nahuli ang braso ko.

"May klase pa ako." Madiin na sabi ko at di tumitingin sa kanya.

Narinig ko itong bumuntong hininga. "Talk to me... please." mahinang sabi nya at pinadausdos ang kamay sa palad ko at pinisil iyon.

"May klase pa nga ako." Sabi ko, di parin tumitingin sa kanya. Alam ko kasi na pag tumingin ako sa kanya ay manlalambot ako.

"Atleast look at me, baby." Di ko sya sinunod at sa iba tumingin. Buti nalang at walang tao rito maliban sa counter.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now