Chapter 24

15.6K 358 163
                                    

"Kailangan mo ba talaga ibaba nang ganyan ang sarili mo, Phoebe?"

"Kasalanan ko, Macy. Muntik pa sya di matanggap sa national team dahil sakin." sagot ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa apartment ko. "Lahat gagawin ko para patawarin nya ako." dagdag ko.

"Eh natanggap na nga sya diba?!" frustrated na sigaw ni Macy kaya napayuko ako. "Halos magmukha ka na ngang aso kakasunod kay Steven e! Hindi kaba naawa sa sarili mo?!"

Natanggap si parin si Steven sa national team dahil hindi maitatanggi na magaling talaga sya at sya ang may hawak ng bagong record para sa kategorya nya, kaya kahit may issue tungkol sa pandaraya ay sinali pa rin sya sya national team. Pero nandon parin yung mga taong nanghuhusga sa kanya dahil sa kagagawan ko.

"Galit lang sya sakin, baka... baka pag narinig nya yung paliwanag ko, patawarin nya ako. Kahit yun nalang, Macy. Patawarin nya lang ako... kahit di na sya bumalik sakin."

Muling sumakit ang dibdib ko dahil naalala ko ang mga pagiwas at pagtaboy na ginagawa sakin ni Steven sa tuwing lalapit ako sa kanya. Para akong may nakakahawang sakit at pinandidirihan nya ako.

"Sarado yung isip nung gago nayun! Halos isang buwan ka na naghahabol sa kanya diba? At ilang beses ka narin muntik isugod sa hospital, kakaiyak mo. Please naman, Phoebe. Maawa ka naman sa sarili mo, kahit hindi na sa sarili mo, sa batang nasa sinapupunan mo nalang. Parangawa mo na, hmm?" nakikiusap na sabi sakin ni Macy.

Bakas sa mga mata nya ang desperasyon na sundin ko sya. Alam ko namang nagaalala sya sakin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Bumuntong hininga ako at nagsalita. "Last, bukas... bukas susubukan ko ulit." sabi at napatakip si Macy sa mukha, halatang naiinis sakin. "Promise, last na bukas. Aalis naman na rin ako next week e." nakangusong sabi ko sa kanya.

Napagpasyahan ko kasi na itigil na muna ang pagaaral at sa probinsya na muna manirahan. Kailangan kong gawin yun dahil lumalaki ang tiyan ko at ayokong may makaalam na buntis ako.

Lalo na si Steven, hindi nya ito matatanggap.

Isasama ko rin si mama sa probinsya dahil doon ay mas malinis ang hangin at payapa, baka sakaling makatulong sa pagpapagaling nya.

Tinitigan ako ng matagal ni Macy at saka tumango. "May magagawa pa ba ako? Basta last na yan, Phoebe. Huwag mo ng gawing mas kawawa ang sarili mo." sabi nya at tumango ako.














Lumipas ang mga araw at laking pasasalamat ko dahil walang Steven na sumulpot. Mabuti naman, at sana ay hindi na nya kami guluhin magiina.

Nagtataka talaga ako bakit nga ginagawa yun, bakit parang nasasaktan sya sa ginagawa ko? Hindi ba ayaw nya magkaanak sakin. Diba hindi nya na ako mahal. So bakit ganon sya umasta ngayon.

Madaming taon na ang lumipas. Ano ba akala nya? Na nakalimutan ko na ang nangyari samin noon? Bakit akala nya ba ganoon kadaling magpatawad?

Kung mahal ko pa sya ay siguro pinatawad ko sya agad at baka sobrang saya ko pa na umuwi na sya, pero hindi ganon ang sitwasyon. Hindi ko na sya mahal.

Wala na akong nararamdaman sa kanyang kahit kakapiranggot na pagmamahal. Wala na. Naubos na, matagal na.

Oo nagpapasalamat ako sa kanya dahil sya ang dahilan kung bakit mayroon akong Kristoff at Krystal ngayon. Pero hanggang doon na lang yun. Wala akong balak na ipakilala sya sa mga anak ko dahil hindi nya deserve yun. Dahil sya rin ang may kasalanan kung bakit muntikan na akong makunan noon.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now