Chapter 22

15.4K 297 164
                                    

"Yung white sakin, mommy." sabi sakin ni Kristoff nang maglapag ako ng plato sa harap nilang dalawa ni Krystal.

"Anong white?" kunyaring nagtatakang sabi ko kahit alam ko naman ang tinutukoy nya.

Kumunot ang noo sakin ni Kristoff at tumayo sa upuan at tinuro ang white na sinasabi nya. "This oh, eto." sabi nya habang gigil na tinuturo iyon.

Nagpipigil naman ako ng tawa at patuloy na inasar sya. "Whats that?" sabi ko at tumingin pa sa taas para kunyaring nagiisip ako.

"Mommy!" nagpapadyak na sigaw ni Kristoff kaya tumawa na ako ng malakas. Si Krystal naman ay nakitawa kahit hindi alam kung bakit ako tumatawa.

"Ano munang tawag dito?" natatawang sabi ko at pinaupo sya ng maayos.

"C-cambolata." bulol na sabi nga kaya lalo akong natawa. Kinurot ko ang pisngi nya dahil napakacute nyang mainis.

Napatingin naman ako ng Krystal ng magsalita ito. "Bulol!" tumatawang sigaw nya at tinuro pa si Kristoff na masama ang tingi sa kanya. "Diba mommy calbonala yon?" proud pa na sabi nito.

Tawa naman ako ng tawa dito sa harap nila. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga kakatawa dahil sa pinagsasasabi ng mga anak ko.

"Shut up tally!" sigaw ni Kristoff sa kakambal dahil naiinis na ito sa panay hampas ni Krystal sa kanya. Ganon kasi ito tumawa, nanghahampas. Nakikita nya yata samin ni Macy.

"Don't shout!" sigaw naman pabalik ni Krystal.

"Im older than you!"

"Mommy said its just 10 minutes!"

"Im still older than you! Im your kuya!"

"Ediwow!"

"Tangina mo, Phoebe. Nagaaway na mga anak mo tawa ka parin ng tawa diyan." Lahat kami at napalingon kay Macy. Kailan pa to dumating? Hindi nagsasabi.

"Bunganga mo." angil ko rito dahil nagmura sya sa harap ng mga anak ko. Gago talaga.

"Tita ganda!" bati ng mga anak ko at agad bumaba sa upuan para salubungin ng yakap si Macy.

"Bakit kayo nagaaway kanina?" tanong ni Macy sa kanilang dalawa.

Nagtinginan lang magkakambal at hindi nagsalita kaya ako na ang sumagot. "Dahil dito sa carbonara." pagkasabi ko nun ay lumapit uli sila Kristoff sa mesa at umupo sa kanilanilang upuan. Gutom na tong mga ito e.

Si Macy ay umupo narin kasama namin at kumuha ng pagkain galing sa shakey's na tinakeout ko kanina.

"Rinig na rinig ko yung sigawan nilang dalawa tapos ikaw kala mo nanonood ng comedy show." natatawang sabi ni Macy. Makasermon sya e sya itong mahilig paiyakin ang dalawa.

"Ang cute kasi nila." sabi ko habang nilalagyan sila ng pagkain sa plato nila.

Nang malagyan ko ay agad nilang sinunggaban yun. Halatang gutom na gutom na. Natagalan din kasi kami sa pag order kanina dahil maraming customer kahit sa drive thru.

"Gutom na gutom a." mukhang napansin din pala ni Macy yun. "Bakit kasi nagtakeout kayo? Doon mo na sana pinakain." Sabi nya sabay inom ng tubig.


Drowned To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon