Epilogue

15.6K 319 223
                                    

"Are you sure, anak?" tanong sakin ni mama nang sabihin kong pupuntahan ko si Steven.

"Opo, pakibantayan po muna ang kambal." sabi ko habang nakatingin sa mga anak ko na kausap ngayon ni daddy.

Hindi ko alam kung anong sinabi ni daddy kay mama para patawarin nya ito pero ako hanggang ngayon ay hindi ko parin sya napapatawad. Hindi ko alam kung kaya ko rin.

Hinayaan ko nalang kung anong desisyon ni mama dahil mukhang masaya naman sya ngayon. Alam ko rin naman na kahit anong sabihin ko ay hindi makikinig sakin si mama. After all, daddy is mama's first love, and great love.

Hinayaan ko rin na makilala sya ng kambal at masayang masaya ang kambal dahil may matatawag na daw sila na lolo. Kilala rin naman nila ang daddy ni Steven at minsan ay dumadalaw kami sa puntod nito.

"Ofcourse. Take care, okay? tumawag ka pag nagkaproblema." bilin sakin ni mama.

Walang nakakaalam na susunod ako kay Steven maliban lang sa magulang ko. Hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko dahil nahihiya ako.

"Opo." sagot ko saka lumapit sa mga anak ko.

"Dito muna kayo ha? magbehave kayo dito, okay?" sabi ko sa kambal nang makaluhod ako sa harap nila.

Tumango sila sakin at saka ngumiti. "Yes, mom. Pupunta ka po ka daddy, right?" tanong sakin ni Krystal at nginitian ko sya.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung magpropose sakin si Steven at tinanggihan ko iyon. Kumalat din yun sa social media pero agad namang naglaho rin na pinagpapasalamat ko.

"Anak." tinawag ako ni daddy na nasa gilid ko pero hindi ko sya pinansin. Hindi ko kaya na kausapin sya.

"Alis na si mommy." sabi ko sa mga anak ko saka hinalikan sila sa pisngi.

Pagtayo ko ay lumingon ako kay mama at kumaway sa kanya. Narinig kong may sinabi si daddy pero hindi ko na yun naintindihan dahil umalis agad ako at derederetsong lumabas.

Nang makarating sa airport ay kailangan ko pa maghintay ng isang oras bago ang flight ko kaya naman naisipan kong kalikutin muna ang cellphone ko para malibang.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla kong inopen ulit ang dati kong account at nagpasyang basahin ang mga messages sakin ni Steven sa loob ng anim na taon.

Matagal kong pinipigilan ang sarili kong gawin ito pero ngayon parang gusto ko ng mabasa.

Grabe ang kabog ng dibdib ko habang iniscroll ko ang mga messages nya hanggang sa makapunta ako sa pinakaun.

Halos limang minuto na ako nag sscroll pero hanggang ngayon ay wala parin ako sa pinakaunang chat nya sakin.

Nang makita ko ang una nyang message sakin simula nung magbreak kami ay parang ayoko nalang pala ituloy. Pakiramdam ko kasi hindi ko kakayanin kung ano mang mababasa ko.

Inalis ko ang tingin sa cellphone ko at huminga ng malalim. Pinipilit ko ang sarili ko na huwag ng basahin ngunit hindi ko makontrol ang katawan ko at hindi ko namalayan na binabasa ko na pala lahat at patuloy na sa pagpatak ang mga luha ko.

:Saan ka? Balik ka na dito sa condo. Sorry, baby. I love you. Hindi totoo ang sinabi ko kanina. Galit lang ako kaya nasabi ko yun, sorry. Hindi na mauulit.


:Baby, saan ka? Bakit wala ka sa apartment mo? Pumunta ako sa bahay nyo pero walang tao. Sorry na. Galit ka ba sakin? Sorry, Phoebe. Ill wait for your reply. I love you.


Drowned To YouWhere stories live. Discover now