Chapter 20

13.4K 231 43
                                    

Isang buwan, isang buwan na ang lumipas simula nang makipaghiwalay sakin si Steven. At iwan akong magisa sa condo nya.

Hinintay ko sya doon hanggang sa maghapon dahil umaasa akong babalikan nya ako pero mali ako. Hindi sya bumalik. Tuluyan syang nakipaghiwalay sakin.

Wala ako sa sariling bumalik sa hospital kung nasaan si mama. Nagaalala sakin sila tita dahil iyak lang ako ng iyak sa loob ng private room. Nalaman ko rin na umalis na daw si daddy at di ko alam kung babalik pa ba sya. Sana hindi na.

Sumunod na araw nun ay nagising si mama pero wala parin ito sa tamang katinuan. Mas lumala pa nga dahil bigla bigla nalang sya nagwawala kaya pinagstay muna sya doon. Di ko na alam ang gagawin ko.

Laking pasasalamat ko nalang talaga dahil palaging nasa tabi ko si Macy. Sinamahan nya ako, kinuwento ko ang nangyari samin ni Steven at galit na galit sya dito.

Gusto nya pa ngang sabihin kay Steven ang totoong nangyari pero pinakiusapan ko sya na huwag dahil may darating na laban si Steven.

Kung tatanungin nyo ako ay hindi ako galit kay Steven. Mahal ko parin sya matapos lahat ng sinabi nya sakin. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit sya sakin dahil wala naman syang alam sa totoong nangyayari. Kasalanan ko lahat ito.

Tama nga ako. Sa oras na kung papipiliin si Steven, ako o ang pangarap nya, pangarap ang pipiliin nya. Wala akong laban doon.

Hindi ako nagsisisi na hindi ko sinabi sa kanya ang totoo dahil alam kong yun ang mas makabubuti. Mas gugustuhin kong galit sya sakin ngayon kesa magalit sya sa sarili nya.

Sa loob ng isang buwan ay hindi ako tumigil sa pagsuporta kay Steven. Sa tuwing may training sya ay nanonood ako sa gilid at tahimik na chinicheer sya.

Dumaan ang birthday, pasko at bagong taon ay wala akong ginawa kundi magmukmok sa aparment ko. Wala akong gana para magcelebrate dahil lolokohin ko lang ang sarili ko.

Inaamin ko na umasa akong babatiin ako ni Steven dahil sabi nya ay mahal nya ako pero umasa ako sa wala.

Tinetext at chinachat ko parin sya dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong gawin yun. Pero kahit isa ay wala syang pinansin doon. Atleast diba hindi nya ako niblock.

Nung nakaraang linggo ay nakasalubong ko sya sa tapat ng university, alam kong nakita nya ako dahil sya ang biglang umiwas sakin.

Kung di lang sya ang nakipaghiwalay sakin ay iisipin kong sya ang mukhang mas kawawa dahil nangingitim ang ilalim ng mata nito at nangayayat sya. Parang mas nasasaktan sya kesa saming dalawa.


"Phoebe, alam mo na ba?" napatingin ako kay Macy na kakapasok lang at chika agad ang baon.

"Ang alin?"

"Si Steven," huminto ito sandali at nagsalita uli. "Namatay daddy nya kaninang umaga."

Biglang parang tumigil ang oras at mukha ni Steven ang nagflash sa utak ko. "P-pano mo n-nalaman?"

"Kaklase ni David yung isa sa swim team." tumayo ako at aalis na sana nang pigilan ni ako ni Macy. "Huy san ka pupunta? Parating na si prof." natatarantang sabi na at pilit na pinapaupo ako.

"P-pupuntahan ko si Steven. K-kailangan nya ako." Sabi ko at pumiglas sa kamay nya at naglakad nang mabilis palabas. Nakasalubong ko pa ang prof namin pero di ko na iyon pinansin. Si Steven ang inaalala ko ngayon.

Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa classroom nila Steven. Hindi ko alam kung pumasok na sya o hindi pero kailangan ko sya makita.

Malapit na ako sa building nila nang may mapansin ako sa gilid ng building. Walang tao don maliban kay Steven at sa coach nya. Dahan dahan akong lumapit at nagtago para pakinggan ang pinaguusapan nila.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now