Chapter 26

15.8K 305 218
                                    

So as you can see, I changed the title. Wala lang, sa 's' kasi nagsisimula yung Still Drowned To You pate yung Stolen Memories. Ayoko ng parehas e hahahahaha kasi perfectionationism ako baka gawin kong sa 's' nagsisimula lahat ng title ko tapos mahirapan pa ako HAHAHAHAHAHAHA.

____________

Maaga akong gumising ngayong araw dahil may pasok ang mga anak ko pati ako.

Pagbangon ko sa kama ko ay dumeretso ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ko at tinali ko ang buhok ko at lumabas na sa banyo.

Natigilan ako nang maalala ko ang napanood kagabi. Nagtagis ang panga ko dahil sa galit para kay Steven. Ano bang pinaplano nung tarantado na yon?

Sinabi nya sa national tv na may anak sya at hindi lang yon, he even mentioned their name. Tapos napanood pa iyon nila Kristoff at Krystal. Napapikit ako dahil para akong naiistress sa nangyayari.

Napaisip tuloy ako kung naintindihan ba ng mga anak ko yung pinagsasasabi ng gagong Steven yun sa tv kagabi. Hindi naman siguro dahil hindi naman sila nagreact tungkol doon. Baka pangalan lang nila ang naintindihan nila. Sana.

Lumabas ako ng kwarto ko at sinilip ang kambal na natutulog parin. Maaga pa naman, mamaya ko nalang sila gigisingin.

Nagluluto ako ng pancake nang marinig kong tumunog ang doorbell. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong naaalala na mayroon akong bisita ngayon. At napakaaga pa.

Pinatay ko muna ang kalan at pumunta sa pintuan para pagbuksan ang kung sinomang tao. Hindi naman ako natatakot na baka mapahamak ako dahil safe naman dito sa subdivision. Baka isa sa mga kapitbahay lang namin.

Pagkabukas at pagkabukas ko ng pinto ay napasigaw ako sa gulat dahil biglang tinulak iyon ng kung sino at bigla syang pumasok sa loob ng bahay.

Nang makabawi ako sa gulat ay nanlaki ang mata ko nang makitang si Steven iyon.

"Good morning." nakangiting bati nya na akala mo ay ayos kaming dalawa.

"Gago ka talaga no? Lumayas ka dito." pigil na pigil na sabi ko dahil ayoko sumigaw at baka magising ang dalawa sa taas.

Umiling sya at tinignan ako mula ulo hanggang paa at nung bumalik sa mga mata ko ang tingin nya ay bigla syang umiwas ng tingin.

"Umalis ka dito, kundi tatawag ako ng pulis." madiin na sabi ko dahil nanggigigil na talaga ako. Pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko, literal.

Wala itong naging reaksyon sa sinabi ko at patuloy na iniiwasan ang mga mata ko. Napataas ako ng kilay nang makitang parang naging pula ang tainga nya.

"Hindi ako nagbibiro, tatawag talaga ako. Trespassing ang ginagawa mo ngayon." galit na sabi ko.

Nang tumingin na sya sakin ay malamig ko syang tinignan sa mga mata para maramdaman nya na seryoso ako sa sinasabi ko.

"G-ganyan kaba t-talaga humarap sa bisita?" nauutal na sabi nya at umiwas nanaman ng tingin sakin. Parang tanga!

Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Nakadress ako na pantulog at walang suot na bra. Alam kong halata iyon pero ano bang pake ko kanya? Hindi sya gold para makaramdam ako ng pagkailang.

Drowned To YouWhere stories live. Discover now