Chapter 30

14.2K 252 136
                                    

Habang nakapiring at walang makita ay malinaw parin sakin kung anong mangyayari.

Inaalalayan ako ni Macy maglakad at kahit anong pilit ko na huwag humakbang ay hindi ko magawa. Tila may sariling buhay ang mga paa ko.

Ah, alam ko na.

Hindi ko maramdaman.

Dahil ang nararamdaman ko lang sa mga oras na ito ay ang pagkabog ng dibdib ko nang napakalakas.

Ramdam ko ang magaan na haplos ng hangin sa pisngi ko at kung paano nito sinasayaw ang buhok ko ngunit kahit gaano pa kagaan ang paligid ay hindi parin nito maibsan ang bigat na nararamdaman ko.

Nang tanggalin ang telang nakatakip sa mga mata ko ay parang gusto kong magreklamo at magalit dahil pinatunayan lang ng nakikita ko ngayon ang hinala ko.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at wala akong ibang makita kundi puro mukhang nakangiti at masayang nakatingin samin.

Samin ni Steven na nakatayo ngayon sa harap ko.

Parang gusto kong sigawan si Macy sa ginawang pagiwan sakin kay Steven sa harap ng maraming tao.

Hindi ko alam kung bakit kailangan nya pa gawin to. Hindi na dapat nya ito ginagawa, hindi dapat. Ayoko...

Tinignan ko sya sa mukha, na sana pala ay hindi ko na ginawa. Dahil kitang kita ko sa mga mata nya ang kasiyahan at pagmamahal para sakin.

Nakakaguilty...

Akmang luluhod na sya sa harap ko nang hawakan ko nang mahigpit ang mga kamay nya at umiling sa kanya. Tinignan ko sya sa mata at pilit na pinaparamdam sa kanya na 'huwag', ngunit ngumiti lang sya sakin at tuluyang lumuhod sa harap ko.

Rinig na rinig ko ang mumunting tili ng mga tao sa paligid at ang kasiyasan sa mga boses nito. Lahat sila ay masaya maliban sakin.

Hindi ako masaya.

Ayoko nito.

Hindi pa ako handa.

Parang awa mo na, huwag mong gawin to.

"Phoebe." tinignan ko sya at umiling ulit pero parang wala akong magagawa dahil kitang kita sa mata nya ang kagustuhang gawin ito.

"I know I'm not the perfect man for you. I've hurt you before, I made you cry..."

"Tumayo ka na jan please." bulong ko pero pinagpatuloy lang nya ang ginagawa nya.

"I know all of my apologies are not enough for you to forgive me, but if you want me to say sorry to you until we get older, I will. Because I love you." sambit nya.

Tinignan ko ulit ang mga tao sa paligid partikular sa mga anak ko. Malalaki ang ngiti nila sa labi habang hawak sila ni mama.

Parang gusto ko maiyak sa pwesto ko ngayon dahil alam kong maddisappoint ko silang lahat na nandito. Hinihiling ko na sana panaginip lang ito. Na sana hindi ito totoo, pero hindi. Totoo ito at napatunayan ko lalo yun nang maramdaman na hinalikan ni Steven ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Nakatitig ako sa mukha nya habang nagsasalita sya pero wala na akong maintindihan. Hindi ko sya naririnig. Nakikita ko lang na bumubuka ang bunganga nya ngunit wala akong marinig kundi ang ala ala ng kahapon.

"Nakakahiya ka alam mo ba yon?"

"I love you, but I need to let you go."

Drowned To YouWhere stories live. Discover now