Chapter 1

18.5K 310 17
                                    


Nagising ako dahil may kalabit ng kalabit sa balikat ko. Di ko ito pinansin at nagkunwaring tulog parin. Please Im too sleepy, let me sleep for pete sake! Ginalaw ko ang balikat ko para sabihin na wag akong gisingin kaso ayaw talaga tumigil ng kakakalabit!


"Ano ba Macy?! dedede kaba? nakakaasar ampota." singhal ko rito nang inangat ko ang  ulo ko.

"Te kasi, baba tayo. Nagugutom ako." sabi nito sakin at nagpuppy eyes pa. Di ka cute pls lang!

Di ko sya pinansin at nagheaddown ule sa desk ko. Matutulog ako dahil wala naman kaming klase ng dalawang oras. Absent daw si Mr. De Castro, prof namin sa Accounting. 

"Dali na Phoebe, tas daan din tayo sa pool malay mo nandon si----" di na nya natuloy ang sasabihin nya dahil tumayo na ako at hinila na sya papuntang cr para syempre magayos.

"Pahiram nga ako ng eyelash curler mo, dali." sabi ko kay Macy na natatawa tawa ngayon.

"Pagdating talaga kay Steven nawawala lahat ng katamaran mo sa katawan e no?" sabi nito at inabot sakin ang hinihiram ako.

"Of course! Sya kaya source of motivation ko." ngingiti ngiti kong sabi.



Steven Montero, 3rd year bs in Business Management, swimmer. Nakilala ko sya nung nagenroll kami ni Macy dito. Sya yung nagturo samin kung nasan ang library. Nagkataon lang yon dahil sya yung unang estudyante na nakita namin.  Ayon yung unang beses na nakita ko sya. Pangalawang beses ay yung nagbar kami ni Macy at pinagtanggol nya kami sa bumastos sa amin. Doon ko rin nalaman ang pangalan nya. At pangatlong beses ko syang nakita nung minsan na tumambay kami ni Macy sa pool nung 1st year. Don ko lang rin nalaman na swimmer pala sya! at ang ganda ng katawan nya! Ang tangkad nya, 6'2. At di mo rin maikakaila na gwapo sya, maputi at makinis.

At nung nagtama ang mata namin non ay naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko, with that I knew, that Im drowning in his gaze.



"Malandi ka."

"Maganda naman."

"San banda?"

"Kaya mo nga ako kinaibigan dahil maganda ako diba? ikaw nagsabi nyan." tawa ko.


Naalala ko nung Gr 11 kami. Tumabi sya sakin at tinitigan ako for 10 minutes. Nailang na ako sa kanya kaya kinompronta ko sya. Tapos tinanong nya ako kung pwede daw kami maging magkaibigan. Wala naman kaso sakin dahil wala rin naman akong ibang kaibigan non kaya pumayag akong maging kaibigan sya. Tinanong ko rin sya bakit nya ako gustong maging kaibigan, ang alam ko kasi ayaw nila ako lapitan dahil ang taray ko raw tignan. Ang sagot nya sakin ay "Maganda ka kasi, at ang magagandang katulad mo ay nararapat lang na maging kaibigan ang magandang tulad ko." Natawa ako ron kaya simula non kami na ang magbestfriend hanggang ngayon na 2nd year college na kami. Pero maganda talaga si Macy. Yung ganda nya ay mukang inosente at mahinhin, but ofcourse i know better. At ang sakin naman ay matapang tignan at maldita.


"Mas maganda parin naman ako kesa sayo." ay ayaw magpatalo ng isang to a?

"Kaya pala nagkagusto sakin yung crush mo?" Humalakhak ako nung makitang nainis sya sa sinabi ko.

May naging crush kasi sya nung 1st year college kami, sobrang nagpapansin sya doon. Natatawa nalang ako pag naaalala kong umiyak sya dahil ako yung chinat ng crush nya. Pero syempre di ko pinatulan yun. Di ko type!

Drowned To YouWhere stories live. Discover now