01 - Si Bully at si Pechay

9.5K 214 154
                                    

WARNING: Sensitive languages and contents ‼️

"Hoy bitchesang tipaklong! Ang kapal ng mukha mong ahasin ang jowabells ng sisteret ko!" sigaw sa akin ni Jenno habang nakapamewang sa harap ko.

Nakaabang ito sa gate kasama ang mga kampon n'ya na sina Amari at Beatrice. Parehong mga chuklang mermaid ang dalawa. Atticus Lagari a.k.a Amari at Beckham Apolinario a.k.a Beatrice at ang reyna ng mga chuklang serena ay si Jenno King Salazar a.k.a Jelly.

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Jenno. Ang lakas nang loob n'yang pagbintangan na naman ako. Noong nakaraang buwan lang ay sinugod n'ya rin ako dahil inagaw ko raw ang girlfriend ng friend n'yang tibo at ngayon ay ito na naman. I mentally shook my head with disappointment. Alam kong matalino s'ya dahil running for Summa Cum Laude s'ya pero bakit s'ya gan'to mag-isip kapag sangkot na ang beauty ko?

Hindi ko kasalanan kung ibinato sa akin lahat ng diyos ang ganda nang ipanganak ako. At isa pa, porket lumapit lang sa akin ng isang beses ang lalaki o babaing natitibo sa ganda ko ay ang laking issue na 'nun para sa kanila.

Kasalanan na ba ngayong maging maganda?

Mga inggeterang palaka!

"Balahura ka talaga! Hindi ka nararapat sa school na 'to dahil makyondi ka! " sigaw pa ni Jenno habang itinutulak-tulak n'ya ang balikat ko gamit ang hintuturo n'ya.

Kung magsalita ang baklang 'to ay parang ang linis-linis n'ya. For sure na madami na s'yang naikamang mga lalaki baka nga pati babae ay pinatulan na n'ya. Kahit bakla s'ya ay may mga babae pa rin na nagpapansin sa kanya.

"Don't touch me! 'Wag kang magmalinis bakla! Sigurado akong mas malandi ka pa kesa sa akin." Winakli ko ang daliri n'ya na ikinagulat n'ya. Umikot ang mata n'ya bago ibalik ang tingin sa akin.

Gusto kong tusukin ang mata n'ya at kunin ang unicorn hairpin n'ya saka ko 'yon aapak-apakan hanggang sa masira. Sigurado akong magwawala si bakla kapag ginawa ko 'yon.

Ang Hill Heights University ay isang private catholic school na pinamumunuan ng mga pari at madre. Kilala ang iskwelahang ito dahil sa mga well-educated students kuno and academic excellence ng school.

Naku! Kung alam lang nila ang ugali ng mga animals dito lalo na ang mga rich kids na akala mo ay mga hari at reyna sa loob ng university. Sarap nilang pagsasaksakin ng toothpick.

"Sisteret ko na ang pinag-uusapan dito kaya humanda ka sa aking haliparot ka! And FYI I'm not a whore like you. May pure pa sa holy water ang puri ko hindi kagaya sa'yo! Baka nga may HIV ka na! Ewww."

Nag-igting ang panga ko dahil sa huling sinabi ni Jenno. Kahit walang katotohanan ang mga sinabi n'ya ay hindi ko mapigilang masaktan. Gusto ko s'yang bugbugin pero pinigilan ko na lang dahil ayokong mabahiran ang record ko sa school lalo pa't graduating na ako ngayong taon.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya mabilis ko s'yang nilagpasan at pumasok na ng school.

"Hoy chaka! Hindi pa tayo tapos! B*tch ka talaga!" Napaharap ako sa kanya nang hilahin n'ya ang braso ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata n'ya nang titigan ang mga mata ko. Hindi ko na kasi napigilang mapaiyak.Marahas kong inagaw sa kanya ang braso ko saka mabilis na naglakad papuntang cafeteria. May dalawang oras pa ako bago ang first class ko kaya nag-sideline muna ako sa school para kumita.

"Good morning po." bati ko kay ate Maring na s'yang head cook sa cafeteria.

"Ang aga mo naman. Hindi ba't mamaya pa ang shift mo?"

"Nangangailang lang po. Hehehe."

"Naku, napakasipag mo talagang bata ka. May time ka pa ba para mag-boyfriend?" pabirong tanong ni ate Maring. Imbis na sagutin s'ya ay tinawanan ko na lang ito.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now