43 - Sick

3.6K 126 4
                                    

FREIDA

"Freida," tawag sa akin ni Dra. Georgina. Natigil s'ya sa pagta-type sa kanyang laptop at tumayo mula sa kinauupuang swivel chair para lapitan ako. "Where have you been? You skip 3 of your appointments this month."

Tipid akong ngumiti bago maupo sa couch na lagi kong inuupuan sa tuwing may appointment ako sa kanya.

Director si Dr. Georgina sa Psychiatric hospital na pinag-OJT-han ko noon. S'ya rin ang naging psychiatrist ko nang malugmok ako sa matinding depression dahil sa sunod-sunod na mga trahedyang nangyari sa buhay ko. Hindi ko na makilala noon ang sarili ko. I was so devastated to the point na naging suicidal ako.

Naaksidente at na-comatose si Jenno. Prinoblema ko ang patungkol sa stalker ko. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat nang maipakulong ko si Jessica. Hihintayin ko na lang na magising si Jenno at magiging masaya na ulit kami pero nagkamali ako. I have miscarriage. Hindi ko alam na buntis ako. I'm 3 months pregnant pero sa loob ng tatlong buwan na iyon ay matinding stress, pagod at puyat ang dinanas ko na dahilan para malaglag ang batang pinagdadala ko. Na-depress ako. Namatay ang first baby namin ni Jenno dahil sa kapabayaan ko. Napahamak ang mag-ama ko nang dahil sa akin.

I keep blaming myself.  Walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko dahil sa mga nangyari sa mga taong mahal ko. I was suicidal pero dahil sa tulong ni Dr. Georgina ay nagawa kong iahon pansamantala ang sarili ko. Hindi rin nawala ang suporta ng mga kaibigan ko. Pinush nila akong ipagpatuloy ang treatment ko. Pinaalala nilang naghihintay sa akin si Jenno kaya naman pinagbutihan ko pa lalo.

Minsan ay iniisip ko kung deserve ko ba ang mga kabutihang ipinapakita nila sa akin. Kung deserve ko ba na bumalik pa kay Jenno at mahalin s'ya.

Natatakot ako na pagkatapos ng masasayang araw na kapiling ko si Jenno ay mauwi na naman sa isang trahedya ang lahat ng ito.

"Your smiling again, Freida. May maganda bang nangyari?" tanong ni Dr. Georgina.

"Jenno is awake." sagot ko habang hinihimas ang throw pillow na yakap ko.

"Wow. Masaya akong marinig 'yan."

"But he has no memories of our relationship. Nagising s'yang kaaway ulit ang turing n'ya sa akin at hindi ang babaing minahal n'ya."

"F-Freida,"

"But it's okay. Naging personal nurse n'ya ako. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako nakakapunta sa mga appointments ko. I'm sorry, doktora. Mas naging priority ko si Jenno. Gusto ko s'yang alagaan ulit at ipaalala sa kanya nang hindi sinasabi ang tungkol sa totoong relasyon naming dalawa. Sabi nga nila 'Action speaks loader than voice." Pagak akong napatawa. "Bumabalik na sa dati ang lahat. The way he kisses and touch me, I know he missed and loved me. Kahit hindi n'ya maalala ay kabaliktaran naman iyon sa sinasabi ng puso at katawan n'ya..."

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko. Tears of joy?

No. It's wasn't.

"I should be happy right? Dapat masaya ako pero bakit kabaliktaran nun ang nararamdaman ko ngayon?" Ibinaon ko ang mukha ko sa dalawa kong palad at humagulgol.

Sa kabila nang kasiyahan ko dahil sa pag-iisa namin ulit ni Jenno ay ang takot na bawiin kaagad sa akin ang lahat ng ito. Wanting happiness just gives us so much pain afterwards. Naranasan ko na ito at ayoko nang maulit pa iyon.

Ayokong pumusta lalo pa't alam ko na ang magiging resulta. Pain, depression and anxiety.

"Alam ko kung gaano mo kamahal si Jenno. Bukang bibig mo s'ya sa bawat session natin. I saw how happy you are whenever you talked about him. I want to meet him. I think he's an amazing guy."

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now