35 - Crashed

3.6K 130 11
                                    

FREIDA

Halos kainin nang matinding takot ang sistema ko habang nakaluhod sa harap ng emergency room. Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan ni Jenno habang humahagulgol. Sa sobrang bigat ng puso ko ay parang magma-malfuction ito ano mang oras. Hindi ko maipaliwang ang sakit at takot sa tuwing dumadaan sa isipan ko na maaaring hindi lumabas ng buhay si Jenno sa kwartong kaharap ko dahil sa malalang kondisyon sinapit nito.

His car was hit by a 10-wheeler truck while driving to my apartment. Sa mga oras na 'to ay under investigation pa rin ang aksidenting kinasangkutan n'ya.

'Wait for me. I love you.' - Iyon ang huli n'yang sinabi sa akin. I waited for an hour. Gusto kong harapang sabihin sa kanyang mahal na mahal ko rin s'ya. So I waited for him pero imbis na si Jenno ang dumating ay ang kapatid n'yang si Jonah ang sumundo sa akin at nagbalita ng nangyari sa kapatid n'ya.

Para akong binagsakan ng granada sa mismong paanan ko. Nawalan ako ng lakas. Nanlabo ang paningin ko. Para bang may humugot sa kaluluwa kong demonyo. I feel so weak, helpless.

Bakit si Jenno pa? - paulit-ulit ko 'yong itinatanong sa sarili ko. Alam kong ang selfish ko pero bakit hindi na lang ibang tao imbes na s'ya?

"Ate," tawag sa akin ni Jonah habang nakayakap sa likuran ko at pilit akong inaalo kahit iyak rin s'ya nang iyak. Lumuhod naman sa harap ko si Yuna at niyakap din ako.

Mas gugustuhin ko pang makipag-break s'ya sa akin at lokohin n'ya nang harap-harapan kesa naman na gan'to. Doble... triple ang sakit nito para sa akin.

"He'll be fine. Babalik s'ya sa atin, babalik s'ya sa'yo." bulong sa akin ni Yuna.
***

"You must be my son's girlfriend." Dahan-dahan nalipat ang tingin ko sa babaing tumabi sa akin sa upuan. She has Jenno's beautiful brown orbs. Tumango lang ako bilang tugon dahil pakiramdam ko'y walang salitang lalabas ngayon sa bibig ko maliban na lang sa pangalan ni Jenno.

"I've dreamed about my son the other night. Hindi ganun kalinaw ang mga nangyari but I saw him died in front of me. Iyon din ang dahilan kung bakit biglaan ang pagluwas ko sa probinsya. Natakot ako kaya bumiyahe kaagad ako rito para makita s'ya. I never thought na mangyayari nga ang masamang panaginip ko sa anak ko...k-kay Jenno." pahayag n'ya habang pinipigilang mapahagulgol. Naramdaman ko ang kamay n'yang humawak sa kamay ko at ikinulong 'yon sa pagitan ng dalawa n'yang palad.

"Nang makita ko s'ya ay napansin ko ang malaki at positibong pagbabago sa kanya. At kahit hindi n'ya sabihin sa akin ang dahilan ay alam kong may taong nagpapasaya sa kanya. He was surely in love." dugtong pa ng ina ni Jenno na mas lalong nagpabagsak sa balde-balding luhang nakaimbak sa mga mata ko.

Naramdaman ko ang mahigpit n'yang pagyakap sa akin habang marahang hinahaplos ang likuran ko.

"Thank you for loving my son. Kung ano man ang maging kinalabasa nang kondisyon ng anak ko ay sana manatili ka pa rin sa tabi n'ya. Please don't give up on him."

Hindi ako bibitaw hangga't hindi n'ya ako itinataboy. Kung bumitaw man ako ay hindi ibigsabihin nun ay tumigil na ako. Kahit anong mangyari ay hindi ko ititigil na mahalin si Jenno. Just let him live. Tatanggapin ko ang magiging resulta basta't makita ko lang ulit s'yang buhay.

We waited and waited. Hours have passed. 8 hours. We waited for 8 hours before the doctor came out of the emergency room and deliver the awaited news of Jenno's condition. Sa dami nang mga sinabi ng doctor ay tatlong salita lang ang nag-sink in sa utak ko.

Coma, brain trauma at amputate.

Matapos ang halos walong oras na operasyon ni Jenno ay kaagad s'yang dinala sa ICU. Mahigpit ang naging monitoring sa kanya dahil sa malala n'yang kondisyon kahit pa matagumpay ang naging operasyon n'ya. Kinailangang putulin ang kaliwa n'yang braso dahil durog na durog ito matapos ang aksidente.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now