28 - Date pt. 2

4.6K 159 30
                                    

Warning : THIS CHAPTER IS RATED SPG ‼️🚨

Sa mga naligaw na bata d'yan ... pikit! 😆

***

"Ikaw ah. May pa-surprise-surprise ka pang nalalaman. Siguro mahal mo na ako noh. Ayiieee." pang-aasar ko. Nakapiring ang mata ko habang nakaalalay naman sa paglalakad ko si Jenno.

"Che! 'Wag kang maingay kung ayaw mong ihulog kita sa bangin."

"Wala namang bangin dito tsaka magagawa mo ba 'yon? Ilang minuto pa nga lang akong nawala kanina miss mo na agad ako paano pa kaya kung mategi ako."

"Ang ingay mo merlat."

"I love you too." pangaasar ko pa dahilan para marinig ko ang pagbuntong hininga n'ya. Parang imbes na kiligin s'ya sa sinabi ko ay na stress pa s'ya.

Tumigil ako sa paglalakad at kinapa ang mukha ni Jenno. Nang mahawakan ko ang gilid ng leeg n'ya ay tumingkayad ako para abutin ang labi n'ya pero imbes na labi n'ya ang mahalika ko ay 'yong panga n'ya ang naabot ko.

"N-Napi-pressure ka ba kapag sinasabi ko 'yon? Sorry, hindi mo naman ako kailangan sagutin. Naiintindihan ko naman at isa pa, handa naman akong maghintay hanggang sa sabihin mong mahal mo na rin ako." Kinagat ko ang ibaba kong labi saka s'ya yinakap.

Mabilis akong napakapit sa leeg n'ya nang bigla n'ya na lang ako buhatin. Hinalikan n'ya ang pisngi at ilong ko bago dampian ang labi ko.

"Punta muna tayo sa surprise ko bago kita sagutin. Ang bagal-bagal mo maglakad kaya bubuhatin na lang kita."

I giggled and hugged his neck. Inamoy-amoy ko rin ang leeg n'ya kasi ang bango n'ya talaga.

Maya-maya pa ay ibinaba n'ya ako sa malambot na upuan bago n'ya tanggalin ang nakapiring sa mata ko. Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa close cottage na kinaroroonan namin ni Jenno. Gabi na kaya napakaganda ng mga fairylights na ginamit sa paligid. May dalawa ring lighted candle na nagsisilbing pailaw sa gitna ng mesang kaharap ko at mga pagkaing may iba't ibang putahi. Meron pang mga petal roses na nagkalat sa sahig. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko.

Lintik na baklang 'to, ang romantic.

Kinuha ni Jenno ang kamay ko at itinayo ako sa gitna ng kwarto. Nang makalapit sa malaking glass window ay nakita ko ang mga kumukuti-kutitap na mga ilaw sa baba ng nature park na nilibot namin kanina. Nasa mataas na parte ang cottage kaya kitang-kita ang magandang view sa kinatatayuan namin.

"Do you like it?"

"I love it kaya." Tumawa s'ya saka n'ya kinurot ang magkabilang pisngi ko bago punasan ang gilid ng mga mata ko. "Last minute preparation lang ba talaga 'to?"

"Oo kaya. Halos makipag-away pa ako sa kausap ko rito para lang mabigyan tayo ng cottage. Puno na raw ang reservation tapos malalaman ko na naduling lang daw s'ya. Lintik s'ya kung sino man s'ya."

"Ang romantic mo palang bakla ka." Hinampas ko nang mahina ang dibdib n'ya na ikinatawa n'ya lang.

"Ako pa ba. Tara kain na tayo."

"Ayoko."

"Hindi ka pa ba nagugutom? Anong oras na kaya. Halika susubuan na lang kita para ganahan ka." Hinawakan n'ya ang kamay ko pero bago n'ya pa man ako mahila papuntang mesa ay kinawit ko na sa leeg n'ya ang braso ko. Jeeno lifted me so I could wrap my legs around his hips and carried me.

Mukhang alam na n'ya ang plano ko.

"Iba ang gusto kong kainin." I bit my lower lips seductively.

"Damn." usal n'ya bago n'ya hulihin ang labi ko.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now