25 - Legal, At Last!

5.1K 178 44
                                    

JENNO

Nandito kami ngayon sa quadrangle. Nagkatabi kaming nakaupo ni Pechay sa damuhan habang nakatayo naman sa harap namin si na Beatrice, Jonah at Yuna na kapwa pare-parehong nakapamewang. Para kaming mga batang paslit na naghihintay sa punishment na ipapataw sa amin ng mga magulang namin.

"Kelan pa?" tanong ni Beatrice habang hinahampas sa palad n'ya ang hawak n'yang pamaypay. Para s'yang gay version ni Madam Minchi. Ang chaka n'ya!

"Sinong nanligaw? Duda ako kay kuya. Hehehe."

Namumuro na 'tong shopatembang ko sa akin. Kanina pa s'ya. Kapag hindi ako nakapagpigil ay baka mabato ko na s'ya ng sapatos ko.

"How could you hide this to me. Akala ko ba bespren tayo Freida?" Nakasimangot na pahayag ni Yuna. Hindi ako alam kung nagtatampo s'ya dahil hindi sinabi ni pechay ang tungkol sa amin o dahil naunahan s'ya nitong may ma-jowang bakla.

"Wag nga kayong OA."

"Kahapon lang. Walang ligawan, nagkaaminan lang tapos kami na. Sasabihin ko naman sa'yo Yuna. Naghahanap lang ako ng tyempo." Isa-isang sinagot ni merlat ang tanong ng tatlo nang chillax lang. Bumaling s'ya sa akin tsaka n'ya kinuha ang kamay ko at tiningnan ang kamao ko. "Masakit ba?" puno nang pagaalalang tanong ni pechay kaya naman kumibot ang puso ko sa kilig. Ane be!

"Hindi naman."

Shota! S'ya lang talaga itong nagpapakilig sa akin simula nang mawalan ako ng crushie. Gusto ko s'yang kurutin at panggigilan pero baka masaktan ko s'ya.

Narinig ko ang tilian ng tatlo pero hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ang buong atensyon ko kay pechay. Kinuha n'ya mula sa bag ang alcohol at tissue n'ya.

"May band aid ako." saad ni Jonah.

"Support na lang ako." sabi ni bakla.

"Naiinggit ako!" nakangusong pahayag naman ni Yuna.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin akong makapaniwalang ang babaing inaaway at kinaiinisan ko noon ay girlfriend ko na ngayon. Wala naman talaga akong planong jowain s'ya. Napasubo lang ako ng makita ang ginawang paghawak sa kanya ni Uno. Am I jealous? Obviously yes! Sa sobrang selos ko ay gusto kong jombagin si Uno. Wala naman akong pinagsisisihan na itali ang sarili ko sa relasyong 'to. Masaya ako kay pechay pero may part na natatakot akong masaktan ko s'ya in the future.

I don't know. Siguro ay nago-overthink lang ako.  

"Infairness. Bagay kayo. Akala ko hanggang enemy lang ang tandem n'yo."

"Congrats ate, kuya. Sorry sa pinagsasasabi ko kanina. Hindi naman nag-enjoy si kuya sa tukaan nila nung Pinky. Nakangiwi nga si kuya 'e." paliwanag ni Jonah.

Aba! Bumabawi si sisteret.

"Wait! Ikaw ba ate Freida ang ka-make out ni kuya sa kotse noon?"

Napaubo ako nang bumara ang sarili kong laway sa lalamunan ko. Lintik na babaing 'to.

"N-Nag-make out kayo? Ehhhhh Omgeeee! Naeehe ake!" tili ni Beatrice.

"Freida!" tawag ni Yuna sa kaibigan n'ya saka nag-thumbs up at halatang tuwang-tuwa sa narinig.

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Freida. Para s'yang kamatis sa itsura n'ya.

"Yah s'ya nga pero hindi 'yon natuloy dahil panira kang shotangina ka."

"Hehehe. Ituloy n'yo na lang mamaya. Hindi naman ako uuwi 'e."

"So momshie, titiwalag ka na ba sa pagiging bading at magbabalik-loob sa pagiging hombre?"

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now