31 - Stalker

4K 145 15
                                    

Final week. Final Exam.

"Goodluck." Mabilis akong dinampian nang halik ni pechay at akmang paalis na sana s'ya nang hapitin ko ang bewang n'ya papalapit sa akin. Isinandal ko ang likuran ko sa kotse at yinakap s'ya. Kumapit naman s'ya sa balikat ko at hinaplos 'yon.

"May 30 minutes pa." aniko.

"Kahit na. Magla-last minute review pa tayo."

Kahit mas nangibabaw ang landian namin kahapon versus review ay over-flowing ang confidence ko na maipapasa namin ang final exams this semester. Kaloka naman kasi 'tong si pechay wala naman ginagawa pero sarap harutin. Akala ko s'ya 'tong mangaakit sa akin pero baliktad pala, ako 'tong nang harot sa kanya.

Hinalikan ko s'ya sa labi pero kaagad din s'yang humiwalay sa akin.

"Baka may makakita."

"Ano naman? Girlfriend naman kita 'e."

Kinilig si pechay.

"Kahit na, nakakahiya. Sabihin nila PDA tayo."

"Goodluck kiss ko na 'yon." Hahalikan ko pa sana si merlat nang may nagsalita sa gilid namin. Istorbo!

"So totoo nga." Si Ara, ang ulikbang tibo.

Tumaas ang isa kong kilay nang titigan n'ya mula ulo hanggang paa si pechay ko.

"Traydor ka Jenno."

"Luhh. Tayo ba?"

"Kahit alam mong inaahas n'ya sa akin si Jessica ay pumatol ka pa rin sa kanya. Ano? Nasarapan ka ba kahit pang-ilan ka na sa lalaki n'ya?" mayabang na tanong ni Ara. Pumamewang ako sa harap n'ya saka s'ya tinaasan ng isang kilay.

"Ang sarap. Inggit ka? Kuskusin mo kasi ng steelwool 'yang uling sa leeg mo para naman mas tumagal mga jowa mo sa'yo. Ang asim na siguro n'yan."

"Yabang mo ah."

"Gwapo, makinis at jumbo naman. 'E ikaw?"

"Magsisisi ka rin sa pagdikit mo sa babaing 'yan. Ayy oo nga pala, kinakarma ka na nga pala. Balita ko natanggal ka raw sa candidate ng mga Summa cum laude."

Nagtangis ang bagang ko ng marinig ang sinabi n'ya. Gusto kong hablutin ang sabog n'yang buhok at sabunutan s'ya pero dahil ayoko nang madagdagan ang bad record ko ay nagpigil na lang ako.

Exhale. Exhale. Ayokong mag-inhale dahil baka malanghap ko ang libag ng ulikbang tibo na 'to.

"Kung sino man 'yang source mo, paki sabi na gumamit s'ya ng cotton buds at hindi kuko ang pangtanggal tuli n'ya. Mali-mali ang p*ta."

Malabo palang pero hindi pa tanggal.

"Pakyu kayong dalawa!" asik n'ya bago maglakad palayo sa amin ni Freida. Para s'yang may laylay sa gitna dahil kung maglakad s'ya ay nakabukaka.

"Pakyu ka rin times 3!" sigaw ko pabalik sa kanya.

May yumapos sa bewang ko kaya naman napaharap ako kay pechay at yinakap s'ya pabalik.

"Wag mo nang pansinin ang tivoli na 'yon. Inggit lang s'ya kasi walang pumapatol sa kanya."

"Totoo bang natanggal ka sa summa?"

"Hindi ah." giit ko.

Tumingkayad si pechay at inabot ang labi ko. "Goodluck kiss." nakangiting sabi n'ya kaya napangiti ako. "Tara na."

"Hatid na kita sa room n'yo."

"Wag na. Kaya ko naman."

***
"Sana all inspired." puna ni Beatrice nang makaupo ako sa tabi n'ya.

"Edi mag-girlfriend ka rin."

"Eww. No. Hindi pearly shells ang hanap ko kundi jumbo hotdog kaya mo ba 'to." pakantang tugon ni Beatrice. "Buti pa si Amari, may nahanap na."

"Alam n'yo na kung sino sa ating tatlo ang pinakamaganda."

"Shota ka! Yabang mo. Ayoko lang talaga ng commitment at mag-stay sa isa. Gusto ko iba-ibang putahi."

"Hindi talaga ako dadalo ng libing mo kapag namatay ka sa HIV." pahayag ko habang ka-text si merlat.

"Hindi naman ako nagpapatira noh! Touch by touch lang. Tamang haplos at hand-job lang. Ganern!" depensa ni Beatrice.

Napangiwi ako sa sinabi n'ya. Lecheng bading 'to!

"Hala. Ba't ganyang feslak mo? Noong di ka pa nakakatikim ng tahong 'yon din naman pangarap mo ah!"

Binatukan ko si Beatrice. Puputuilin ko nang dila ng lintik na 'to.

"Totoo naman ah! 'Wag ka ngang magmalinis."

"P*ta oo na! Tumahimik ka na kasi diring-diri na ako sa dumi nang bibig mo."

"Hahahaha." Humagalpak nang tawa ang lintik na bading.


Apat na subject ang exam ko sa buong araw. Hindi pa kami nagkikita ni Freida kahit noong mag-lunch kaya worried aketch. Alam ko namang magkasama sila ni Yuna pero gusto ko pa rin ma-make sure na safe s'ya kung nasaan man s'ya ngayon. Three minutes na lang before ang exam ko sa last subject ko kaya tinext ko na lang si pechay.

'Wait for me at the parking lot later. Sabay na tayong umuwi.' - I clicked sent pero kasabay nun ay panibagong message mula sa unknown number.

'I envy you. Masarap ba sa pandinig ang ungol ng babaing 'to?'

"Sh*t!" I cursed.

Litrato 'yon ni Freida kasama si Yuna habang naglalakad sa corridor. Tiningnan ko ang wrist watch ko at inalalang mabuti ang schedule ni Freida.

"Alam mo kung saan ang klase ni Yuna ngayon?" tanong ko kay Amari.

"Sa Annex sila. Alam ko Biochemistry subject sila ngayon."

Tumakbo ako palabas ng room. Nakasalubong ko pa ang professor ko pero hindi ko s'ya pinansin at dire-diretso lang sa pagtakbo para puntahan si Freida. Katulad ng naramdaman ko noong sabado ay ganun din ang takot at panic na nararamdaman ko ngayon. Malapit lang s'ya kay Freida kaya magagawa n'ya itong saktan kung gugustuhin n'ya.

Napamura ako nang paulit-ulit habang tumatakbo. Dapat pala ay ginamit ko ang kotse ko dahil nasa dulo pa ang annex ng university. Wala pa ako sa quadrangle pero hingal na hingal na ako.

Ang tanga ko!

"Jenno!"

Napatigil ako sa pagtakbo nang makita si Amari sakay ang kotse n'ya. Sininyasan n'ya akong pumasok kaya dali-dali naman akong naupo sa passenger seat.

"Anong nangyayari?"

"May stalker si Freida at sa akin n'ya sini-send ang kinukuha n'yang mga litrato ng girlfriend ko."

"Patingin."

Nang makita ni Amari ang picture ay mabilis n'yang pinatakbo ang kotse n'ya. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa sinabi ko o dahil kasama sa picture ng stalker si Yuna. 

Nang maiparada ni Amari ang kotse sa harap ng building ay halos liparin ko naman sa pagtakbo ang room nina Freida. Sinilip ko s'ya sa loob at tuluyan akong nakahinga nang maluwag ng makita s'yang ligtas. Abala s'ya sa exam. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapakamot s'ya sa ulo gamit ang hawak n'yang ballpen. Mukhang nahihirapan s'ya sa test n'ya.

"Baks, i-report mo na 'yang stalker n'ya sa pulis." pahayag ni Amari nang sumulpot s'ya sa tabi ko.

"I-I know."

Sa pagkakataong 'to ay parang ayoko nang umalis sa tabi ni pechay para lang makasigurado akong ligtas s'ya. She's my death. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay 'yon din ang magpapahina at ikakamatay ko.

Bago pa ma-trigger ang lintik na stalker n'yang 'to ay kailangan ko na s'yang mahanap.

"Pulis ang tatay ni Beatrice. I think he can help you."

Tumango ako.

***

"How's your day?" tanong ko kay merlat. I kissed her forehead and hold her hand.

"Namanhid utak ko. First question palang ay nganga na ako. Parang wala naman sa mga ni-review ko kahapon ang mga sagot." reklamo n'ya kaya natawa na lang ako. "Ikaw kamusta naman ang mga exam mo? Pinahirapan ka ba nila?"

"Carry naman." tipid kong sagot na ikinanguso n'ya.

"Pa-humble ka pa. Alam ko naman sisiw lang 'yon sa'yo." she mumbled like a kid.

Ayokong sabihin sa kanya na hindi ako nakapag-exam sa isang subject. Baka kasi mag-alala lang s'ya lalo pa't narinig n'ya ang mga sinabi ng ulikbang tibo sa parking lot kanina.

Hindi s'ya malas. Kung nagawa 'yon sabihin sa kanya ng nanay n'ya at ng mga judger katulad ni Ara ay para sa akin nagkakamali sila. Walang kinalaman ang kamalasan sa mga desisyon ko na nagawa noon. Importante sa akin na maging summa cum laude dahil pangarap ko na 'yon noon. Ginagawa kong makabawi sa mga kamalian ko pero kasabay nun ay ang pagpupursige kong mapasaya at masiguradonng ligtas ang jowabells ko.

Inaamin ko, matapos akong kausapin ni dean ay naisip kong sisihin si pechay. Ang stupid at immature ko ng mga time na 'yon pero sa huli ay mas nangibabaw pa rin ang love ko sa kanya.

Sh*t! Ang cheesy ko! Ehe!

"Sa apartment ka pa rin ba uuwi?"

"Oo. Bakit ayaw mo ba?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Nagtatanong lang naman, ba't nagtatampo kaagad?" Yumakap s'ya sa braso ko kaya ramdam ko ang malambot n'yang boobs na humahaplos sa balat ko. Kaloka! Alam ko namang wala lang 'yon sa kanya pero pucha, may pet down there has awaken. Ang tindi rin talaga nang epekto ng merlat na 'to sa akin. Nakakabuang!

"Daan muna tayo sa hardware at convinience store. Bibili tayo nang lock para sa pinto mo tsaka mga pagkain na rin para habang nagre-review tayo ay may napapapak us." pahayag ko kaya tumango naman si pechay.

Nang matapos sa hardware ay dumaan na kaming convinience store. Iniwan ko sa meat section si pechay at hinanap ang pakay ko.

Condom.

Binabawi ko na ang sinasabi kong hindi muna makikipag-ano sa kanya pero kasi, I can't take it anymore. Baklush ako pero kung ganun naman ang girlfriend ko na pinagpala sa lahat ay mapapa-go with the flow ka na lang. We need protection kaya bibili na ako kung sakaling may mangyari nga ulit. Charingg!

My Playmate Beki | Pechay Series #1Where stories live. Discover now